Thursday , December 26 2024
ULINIG ni Randy V. Datu
ULINIG ni Randy V. Datu

Mga negosyante sa Olongapo bumuo ng grupo para kumandidato

ULINIG
ni Randy V. Datu

HABANG palapit ang filing of candidacy (COC) ng mga kandidato para sa darating na pambansang halalan sa Mayo 2022, lalo namang umiinit ang batohan ng putik at siraan ng magkakalabang partido tungkol sa umano’y mga palpak na sistema ng mga nakaupo sa gobyerno.

Mistulang nakagawian ng maraming Filipino, sa tuwing nalalapit na ang eleksiyon ay hindi na masyadong nakikita o naaalaala pa ang magaganda at mabubuting nagawa ng mga namumuno sa bayan, at sa halip pawang umano’y kapalpakan at kahinaan ang kanilang ipinamamalita.

Sa Lungsod ng Olongapo, ating pong nauliniganna may isang grupo ng malalaking negosyante ang bumubuo ng partido politikal at nagtalaga ng ilang personalidad para banggain ang kasalukuyang administrasyon.

Sa ating naulinigan, halos buong kasapian ng mga negosyante sa lungsod ay nagtutulungan para mabuo ang partido na susuporta sa kanilang mga napiling pambato o line-up.

Ayon sa tumatayong lider at tagapagsalita ng grupo, hindi na nila umano halos masikmura ang panggigipit sa kanila ng ilang opisyal ng lungsod. Isang halimbawa ang pagkuha ng business permit na tila dumaraan sa butas ng karayom bago maaprobahan, ang ilan naman ay taon na pero wala pa rin permit. Kaya nagpasya silang gumawa ng hakbang para mawakasan na ang maling sistema na pumapatay sa kanilang mga negosyo.

Ilan sa mga susuportahan ng grupo ay mga kilalang negosyante sa lungsod, kabilang ang isa sa nagmamamay-ari ng malaking kompanya ng bus sa buong Luzon.

                                        *****

NAULINIGAN natin na isang tubong-Olongapo na ngayon ay kilalang political strategist ng malalaking politiko sa bansa ang nagdeklarang tatakbo sa pagka-mayor ng sinilangang lungsod ng Olongapo. Kilala rin siya sa mundo ng showbiz at entertainment na humahawak ng mahigit sa 80 sikat na artista. Siya rin ang isa sa nagpasikat ng malalaking product brands sa bansa, may-ari din siya ng URCC, MPBL, Miss at Mr World Philippines.

Kabilang sa mga posibleng pumailanlang sa politika ng Olongapo ay isang negosyante at kasalukuyang barangay chairman. Biglang sumikat at gumawa ng ingay sa social media si “Kap” dahil sa walang tigil na pagtulong sa kanyang nasasakupan, lalo sa panahon ng pandemya. Ginagamit niya ang sariling yaman para sustenahan ang gastos na kailangan para sa halos linggo-linggong ayuda matiyak lamang na maibsan ang kalam ng sikmura ng kanyang mga kabarangay hanggang matapos ang ECQ sa lungsod.

Gayonman, bilang botante, kailangang maging matalino tayo sa pagpili ng ating ihahalal na opisyal ng bayan. Kung sa tingin natin ay hindi na makatarungan at makatao ang mga namumuno, nararapat na palitan ito ng mas karapat-dapat. Pumili tayo ng mga politiko na magsisilbi sa atin bilang tunay na lider at hindi ‘kakainin’ ng sistema na pinaiikot ng pera. Mga lider na hindi kailanman gagawing negosyo o family business ang politika.

Makailang beses na tayong nalinlang mga mga politiko, sana ngayon makahanap na tayo ng tama at totoong mga lider na magpapaunlad sa ating bayan.

                                        *****

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, mag-email sa [email protected]

About Randy Datu

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *