Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Buboy Villar, Ruru Madrid
Buboy Villar, Ruru Madrid

Ruru handang magpautang ng P150K kay Buboy

MATABIL
ni John Fontanilla

PINUSAN ng netizens ang ang Tiktok video na in-upload ni Buboy Villa na pinrank nito si Ruru Madrid.

Sa video ay makikita kung gaano kabuting kaibigan at sobrang generous ni Ruru sa mga taong malapit sa kanya.

Sa prank video makikita ang kunwari’y paghingi ng tulong ni Buboy dahil due date na ng kinuha niyang sa­sakyan, Mercedes Benz at nanganga­ila­ngan siya ng P250K.

Pero kalaunan ay sinabing P2.5k na lang ang hihiramin kay Ruru, pero biglang nagsalita ito na dahil kaibigan niya si Buboy at inaanak nito ang anak nito bibigyan niya na lang ng P150K at hindi na kailangang mangu­tang.

Kaya naman nagulat si Buboy sa sobrang generosity ni Ruru at dito na niya inamin na prank lang ‘yun. Kaya naman natawa na lang si Ruru, pero biniro ni Buboy ang aktor na baka kahit prank lang ay puwede niya kunin ang P150k na dahilan para muling matawa si Ruru.

Marami nga ang nag-comment sa nasabing video na saludo at humanga sa kabaitan ni Ruru na handang tumulong sa nagigipit na kaibigan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …