Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Bangkay ng lalaki, lumutang sa dike

BANGKAY na nang matagpuan ang isang lalaking hindi nakauwi sa kanilang bahay na nagpaalam sa kanyang pamilya na mangingisda sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, kinilala ang biktimang si Jaymark Panganiban, edad 25-30 anyos, nakatira sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque.

Dakong 7:20 pm nang matagpuang nakalutang ang bangkay ng biktima sa Dike Pondohan, Dulong Tangos, Brgy. Tangos North.

Pinagtulungan iahon ng nagrespondeng mga tauhan ng Navotas City Rescue Team at mga opisyal ng barangay ang katawan ng biktima.

Ayon sa pulisya, huling nakitang buhay ang biktima ng ilang residente ng Dulong Tangos bago magtanghali habang nangingisda sa Dike Pondohan.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Northern Police District (NPD) Crime Laboratory para sa awtopsiya upang matukoy kung ano ang ikinamatay nito. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …