Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PJ Abellana
PJ Abellana

PJ Abellana lagare sa mga serye

SA kabila ng pandemya, sa isa pang set ng Kapuso o GMA7para sa susunod na  teleseryeng aabangan, gaya ng Lolong na kinunan sa Villa Escudero sa Quezon, lumarga rin ang unit ng I Left My Heart in Sorsogon sa Kabikulan ng halos isang buwan.

Sari-saring tsika naman ang kumawala dahil sa bida nitong si Heart Evangelista na kabiyak ng puso ng kasalu­kuyang Gobernador doon na si Chiz Escudero.

Natural, ikakabit sa usaping politika.

Pero, nag-enjoy lang ang cast and crew ng serye na makakasama ni Heart bilang leading man niya si Richard Yap. Kasama rin si Paolo Contis

Nasa cast din sina Isay Alvarez, Rey Abellana, Shamaine Buencamino, Mavy Legaspi at marami pa.

Kahit napawalay ng matagal sa mga pamilya nila, gaya ni Rey, masaya ito dahil sa trabahong ibinibigay sa kanya ng Viva management niya. 

After nitong I Left… may isa pang dramang inihahanda ang Viva na kasama siya at natapos na rin siya sa Encounter. Nang umuwi siya, kailangan naman niyang alagaan ang kapatid na si Martin na inoperahan sa mata sa tahanan nila ng kanyang pamilya. Kaya basta may trabaho, malayo man o malapit ay tatanggapin niya. 

Natutuwa naman ang negosyante sa tunay na buhay na si Richard dahil tila may magandang dating ang salitang PUSO sa kanya.

Mula sa Be Careful With My Heart hanggang sa Sana Dalawa Ang Puso, a guesting in Precious Hearts Romances sa telebisyon at sa  pelikulang Achy Breaky Hearts (2016), ito na siya sa I Left My Heart in Sorsogon sa Kapuso.

Pusuan na natin ang mga palabas na ito! Fan din ako. Ni Richard Yap! Charos!  

(PILAR MATEO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …