Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Rodriguez
Kim Rodriguez

Kim Rodriguez handang magpaka-daring

MATABIL
ni John Fontanilla

TRENDING sa social media ang bagong post na litrato ni Kim Rodriguez sa kanyang IG account na kamay lang nito ang tumatakip sa  dibdib.

Iba’t iba ang reaksiyon ng mga netizen na nakakita ng litrato ni Kim, may mga nagsabi ng, Dyosa, Hot, Pa-sexy na, daring atbp.

Ang pictorial ay pa-birthday ni Kim sa sarili na nagdiwang ng kanyang  27th birthday noong Aug. 14. Parte ito ng kanyang maturity at isa sa kanyang wishlists.

Ayon kay Kim, ”I’m 27 na kaya keri ko na magpalitrato na medyo sexy, isa kasi sa wishlist ko ‘yung mag-photo shoot ng sexy katulad niyong ibang mga sikat na Hollywood stars. At saka birthday ko naman pagbigyan n’yo na ako.

“Naisip ko kasi na habang bata pa ako at sexy pa-try ko na kaysa naman kung matanda na ako at saka ako magpo-post ng sexy. Ayaw ko naman.”

Dahi sa sexy pictorial, marami ang nagtanong kung handa itong tumanggap ng daring role at mag-topless sa isang proyekto.

“Wala namang problema ang pagtanggap ng daring na role sa isang proyekto lalo kung maganda at kailangan talaga, bakit hindi ko gagawin?

“’Pag artista ka at tinanggap mo ‘yung proyekto dapat walang arte- arte, isipin mo na lang trabaho lang ‘yun.

“’Yung pagta-topless naman katulad ng sinabi ko if kailangang-kailangan talaga, importante  at sa ikagaganda ng pelikula bakit naman hindi. Mahal ko ‘yung trabahong pinasok ko at nasa tamang edad na naman ako kaya keri ko na ‘yan,” lahad pa ni Kim.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …