Saturday , May 10 2025
NTF-ELCAC money CoA
NTF-ELCAC money CoA

Pondo ng NTF-ELCAC isailalim sa COA special audit — Drilon

BINATIKOS at tinutulan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kahilingan ng pamahalaan na pagkalooban ng dobleng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nasa P40 bilyones abf nakapaloob sa panukalang 2022 National Expenditures Program (NEP).

     Kasunod nito, hiniling din ni Drilon sa Commission on Audit (COA) ang pagsasagawa ng special audit para sa pondo ngayong taon ng NTF-ELCAC.

     Sinabi ni Drilon, batay sa impormasyong kanyang natanggap mula sa isang impormante sa Department of Budget and Management (DBM) halos dinoble talaga ang budget ng NTF-ELCAC para sa susunod na taon.

     Mula sa P19.2 bilyong budget sa kasalukuyan, ang P16 bilyon ay ipinamahagi ‘umano’ sa 820 insurgency-free barangays sa buong bansa ay P40 bilyon ang hihilingin ng ahensiya para sa susunod na taon.

     “Let’s not mince words: it’s an election giveaway. That would be unacceptable in the face of growing threats of CoVid-19 virus. That would be an injustice to 4.2 million families who experienced hunger and 3.73 million Filipinos who lost jobs to the pandemic in May,” ani Drilon.

     Iginiit niya, lalo sa susunod na taon, magaganap ang halalan, obvious na obvious na ang dobleng pondo ng NTF-ELCAC ay plano para makabili ng boto.

     Ikinagulat ng mambabatas ang planong ito ng pamahalaan sa kabila na kailangan ng taongbayan ay pondo para sa pagbibigay ng ayuda lalo ngayong pandemya.

     Tinukoy ni Drilon ang deficit ng pamahalan sa kasalukuyan ay P761 bilyon mababa ang revenue collections dahil sa pandemya.

     Iginiit ng Senador na dapat maisagawa ang COA ng special audit sa P16.3 bilyong umano’y ipinagkaloob sa 820 barangays.

     Ipinunto ni Drilon, ang ilang proyekto o programang kanyang nalaman ay pawang “soft projects,” na talamak sa korupsiyon katulad ng livelihood at skills training programs, assistance to indigent individuals, educational assistance, medical assistance, burial assistance, seedlings and fertilizer distribution, and provision of agricultural farm inputs, at iba pa.

     “These soft programs are often the source of corruption as we have seen in the past. The COA knows the history of fertilizer fund scam and the TESDA ghost scholars. This is exactly the kind of system that is prone to corruption,” dagdag ni Drilon.

     Banta ng mambabatas, sa sandaling talakayin ito sa senado, kanyang tututulan at titiyaking bubusisisin ang lahat ng panukalang budget ng bawat ahensiya o institusyon ng pamahalaan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *