Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Klea Pineda
Klea Pineda

Klea wish makabalik ng Japan kasama ang pamilya

Rated R
ni Rommel Gonzales

TINANONG namin si Klea Pineda kung paano siya naapektuhan ng pandemya ng COVID-19?

“Hindi bad side ‘yung nakaapekto sa akin sa pandemic e, ‘yung self-reflection ko and kung paano ka maging grateful sa maliliit na bagay na nandiyan para sa iyo, na ibinibigay sa iyo ni Lord. 

“So, sa akin realizations na kailangan kong magpasalamat sa lahat ng naIbibigay sa akin, sa lahat ng blessings sa akin, sa bawat araw na ibinibigay sa akin. 

“’Yung iba sobrang nade-depress…may time rin naman ako na ganoon, na sobrang na-anxious ako, na very uneasy ako, hindi ko alam kung pagkatapos ba ng pandemic or ‘pag bumalik na ‘yung shows na magte-taping na uli ang GMA magkakaroon ba ulit ako ng show?

“’Yung security sa akin parang nawala. Iyon ‘yung negative side na nangyari sa akin sa pandemic, but overall , ang nangyari sa akin realizations and kung paano ka maging grateful araw-araw.”

Kapag natapos na ang pandemya, ano or saan mo unang gustong pumunta or ano ang unang gustong gawin ni Klea?

“Gusto kong pumunta kasama ‘yung family ko sa Tokyo, Japan, gusto kong bumalik ng Japan. Sobrang gusto kong bumalik ng Japan dahil nakaka-miss ‘yung food and iyon ‘yung favorite place namin, iyon ‘yung favorite country namin ng family ko.

“Na kung may magtatanong sa akin kung anong lugar ‘yung babalik-balikan ko, it’s Japan talaga.”

Dalawang beses nang nakapagbakasyon si Klea sa Japan kasama ang kanyang pamilya.

“The last time was August last, last year, 2019, before mag-pandemya.”

Mapapanood si Klea, na kare-renew lang ng kontrata sa GMA, sa Never Say Goodbye kapareha si Jak Roberto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …