Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P2.4-M ‘damo’ nasabat sa Benguet (2 HVI, 1 menor de edad, timbog)

NALAMBAT ang dalawang itinuturing na high value individual (HVI) sa drugs watchlist, kasama ang isang menor de edad na lalaki, nang makompiskahan ng tinatayang P2.4 milyong halaga ng hinihinalang marijuana makaraang pagbentahan ang hindi nakilalang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-3) sa isang drug deal sa Brgy. Poblacion, bayan ng Tuba, lalawigan ng Benguet, nitong Miyerkoles ng hapon, 21 Hulyo.

Sa ulat ni Region 3 Officer Bryan Babang, PDEA3 Director, agad nakipag-ugnayan ang PDEA Nueva Ecija Provincial Office, bilang lead unit, sa kanilang partner agency na nakasasakop sa lugar, sa PDEA Benguet, PDEA Baguio City, at Tuba Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek na kinilalang sina Pedro Laista, 20 anyos, ng bayan ng Kibungan; Jimmer Bedkingan, 27 anyos, ng bayan ng Atok, parehong sa lalawigan ng Benguet; at isang lalaking menor de edad na agad inilipat sa pangangalaga ng lokal na Social Welfare Development Office.

Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang 20 pirasong mala-upong hugis ng pinatuyong tangkay at dahon ng hinihinalang marijuana na nakabalot sa packaging tape at tumitimbang ng 20 kilo, tinatayang nagkakahalaga ng P2,400,000; apat na cellphone, marked money, at Toyota Tamaraw FX na gamit ng mga suspek sa pagde-deliver ng mga bultong ilegal na droga.

Ayon kay PDEA3 Director Babang, inginuso ng kanilang confidential agent ang mga ilegal na modus ng mga suspek na responsable sa pagsusuplay ng mga bultohang marijuana sa lalawigan ng Nueva Ecija at mga karatig bayan sa Tarlac.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kasalukuyang isinailalim sa custodial investigation ng mga raiding team ng PDEA. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …