Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun police Malabon

3 wanted persons sa Malabon huli

TATLONG wanted persons ang nalambat ng mga awtoridad sa isinagawang magkahiwalay na joint operation sa Malabon City.

Ayon kay Malabon City chief of police Col. Albert Barot, dakong 12:00 pm nang magsagawa ang pinagsamang puwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/SMSgt. Armando Isidro, at 4th MFC RMFB-NCRPO sa pangunguna ni P/Cpt. Ronilo Aquino ng operation sa Gov. Pascual Ave. Brgy. Catmon, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Richard Billones, 49 anyos, residente sa Block 15, Lot 8, Dagat-Dagatan, Brgy. Longos.

Sinabi ni P/CMSgt. Gilbert Bansil, hepe ng WSS, inaresto si Billones sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong 30 Oktubre 2020 ni Hon. Catherine Therese Tagle-Salvador, Presiding Judge RTC Branch 73, Malabon City para sa kasong paglabag sa RA 7610.

Dakong 1:00 pm nang dakpin ng mga operatiba ng WSS at 4th MFC RMFB-NCRPOsi Ardee Remias, 21 anyos, malapit sa kanyang bahay sa Del Monte Ave., Brgy. Potrero sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz, Presiding Judge, RTC Branch 169, Malabon City para sa kasong palabag sa RA 9165.

        Sa hiwalay na operasyon, bandang 2:00 pm nang matimbog ng mga tauhan ng Sub-Station 5 sa pangunguna ni P/Lt. Joseph Alcazar si Danilo Moreno, 40 anyos, sa Hasa-hasa St., Brgy Longos sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Ofelia Salgado Contreras-Soriano, Presiding Judge, Metropolitan Trial Court, Branch 55, Malabon city para sa kasong Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Weapons (BP 6). (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …