Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard Quan, game sumabak sa daring role

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
HINDI nababakante sa mga proyekto ang talented at award-winning actor na si Richard Quan. Pagkatapos ng seryeng Bagong Umaga, ngayon ay isa siya sa casts ng He’s Into Her. Bukod pa rito ang kaliwa’t kanang TV guestings.
 
“Ang He’s Into Her ay under Star Cinema/ABS CBN, last year pa (siya) natapos at ngayon lang ini-air. It came from a widely popular Wattpad book.
 
“It starred Donny Pangilinan and Belle Mariano… Belle is my step daughter na lumaki sa province, while ako naman with my current family are well-off. Isang successful businessman/tycoon that will attend to Belle’s need and adjustment sa ‘new’ world niya, at the same time attending to his family na ayaw kay Belle.
 
“Maganda ‘yung script at story, ang daming fans… From what I heard, maganda rin daw ang finish product, haven’t seen it yet,” mahabang esplika ni Richard.
 
Ginagawa rin ni Richard ngayon ang historical film na Balangiga 1901 at nakatakdang gawin ang tatlo pang pelikula.
 
Kuwento niya, “Iyong Balangiga 1901, ito’y under ng JF Films, written and directed by Danny Marquez. I’m playing Vice Mayor Abaya sa movie, it’s about the Balangiga Bells.”
 
Dagdag ni Richard, “Aside from Balangiga 1901, there are three movies na naka-line up, one is with direk Hubert Tibi, na pang-international filmfest. To be shot in Bicol next week, It’s about a man na babalik sa roots niya sa Bicol after mapaalis sa work sa pier sa Manila.”
 
Ano ang pinaka-daring na role na nagawa niya so far?
 
“Well… daring in the sense na sexy? Iyong Cariño Brutal with Rosanna Roces and Daisy Reyes,” pakli niya.
Kung may offer sa kanya na daring or sexy role, tatanggapin ba niya?
 
Tugon ni Richard, “For as long as interesting ang script at character, naniniwala ako sa director at producer… At hindi lang about sexiness ang movie, dapat may social relevance, something that we can learn from. Okay sa akin…”
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …