DALAWANG wanted person, kabilang ang isang 17-anyos binatilyo ang naaresto ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na joint manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni P/SMSgt. Addrich Reagan De Leon kay Malabon police deputy chief P/Lt. Col. Aldrin Thompson, dakong 11:15 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa ilalim ng pangangasiwa ni P/CMSgt. Gilbert Bansil, kasama ang 4th MFC, RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation kontra most wanted person sa Arwana St., Brgy. Longos.
Ang 17-anyos binatilyo, may kasong attempted murder ay inaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Abigail Santos Domingo-Laylo, Presiding Judge Family Court Branch 4, Malabon City.
Dakong 9:00 pm nang magsawa muli ang pulisya ng joint manhunt operation laban sa iba pang wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto kay Romar Hernandez, 31 anyos, sa kahabaan ng C4 Road, Brgy. Longos.
Dinakip si Hernadez sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court, Branch 73, Malabon City para sa kasong Attempted Rape na may petsang June 28, 2021.
(ROMMEL SALES)