Saturday , November 16 2024

8 bagets, huli sa riot

WALONG kabataang lalaki na sangkot sa laganap na riot na nag-viral sa social media ang naaaresto matapos maaktohan ng mga pulis na naghahagis ng bato at molotov bomb sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Malabon acting police chief P/Lt. Col. Aldrin Thompson, ipinag-utos niya kay Sub-Station-5 commander P/Lt. Zoilo Arquillo at TMRU team sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Fatima Escueta na magsagawa ng intensified patrolling sa kahabaan ng Hasa-Hasa St. sa Brgy. Longos kung saan laganap ang riot ng mga kabataan na nangyayari sa madaling araw.

Dakong 3:00 am, habang nagpapatrolya ang mga pulis sa pangunguna ni P/SSgt. Oliver Santiago, kasama ang mga tanod ng Brgy. Longos sa kanto ng Hasa-Hasa at Langaray streets, isang riot ang sumiklab sa pagitan ng mga kabataan na kabilang sa magkalabang gang.

Naghagisan ng mga bato at Molotov bombs ang grupo ng mga kabataan, dahilan upang awatin ng mga pulis at mga tanod.

Ngunit nang mapansin ang mga pulis, mabilis nagpulasan ang mga sangkot na kabataan sa magkakahiwalay na direksiyon.

Para hindi maaresto, walo sa mga ‘suspek’ na edad 13 hanggang 17 ang sapilitang pumasok sa bahay ni Wilson John Gilhang, 28 anyos, residente sa Block 14 Lot 40 Phase 2 Area 3 Brgy. Longos, kung saan sila nakorner ng humahabol na mga pulis at tanod.

Ayon kay  P/SSgt. Jeric Tindugan, nakuha ng mga arresting police officers mula sa mga nadakip na kabataan ang isang improvised molotov bomb at patalim.

Ang mga naarestong kabataan ay dinala sa Bahay Sandigan na pinangangasiwaan ng City Social Welfare Department. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *