Tuesday , May 6 2025

Don Albertini puwede nang manalo

REKTA
ni Fred Magno

SIYAM na magagandang takbuhan ang lalargahan ngayon sa pista ng San Lazaro kasabay sa pagdiriwang ng “Araw Ng Maynila” na magsisimula sa ganap na ikalima ng hapon, kaya mayroong tig-dalawang sets ang mga larong WTA at Pick-5.

Dumako na tayo sa ating giya.

Race-1 : Sa pambungad na takbuhan ay gumaan ang laban ni (2) Galing Sa Mabait, talasan ang pang-amoy kay (1) Shining Star na anumang sandali ay

puwedeng pindutin. Pang dehado ang ikinambiyo na sa apprentice na si (10) Tumalog Falls.

Race-2 : Malaking pagkakataon na para makasungkit ng panalo ang tambalang (9) Don Albertini at hinete niyang si Oneal Cortez, magbibigay banta na rin sina (4) Amelia at (10) Sexy Ride.

Race-3 : Magandang tagpo ang umpisa ng 2nd WTA na kahit pa bahagyang napipisil si (1) Forest Gump paniguradong mabibigyan pa rin siya ng laban pagsungaw sa rektahan nung mga reremate kabilang sina (9) Pulang Lupa at ang makasalida lang ng maayos na si (11) Mr. Bourbon.

Race-4 : Unahan na lamang sa magandang puwestuhan at pagpaparemate sina (6a) Diwalwal kasama ang kakuwadrang si (6) Sagrada, ang kalabitin na si (9) More Or Less at ang galing sa malakas na labanan na si (7) Avalone Bandit.

Race-5 : Mabigyan lang ng magandang go signal ang nakasakay kay (6) Princess Isabelle ay wala na tayong hahanapin pa, bilang proteksiyon ay isama lang sina (7) Major Ridge at (8) Lucky Saver.

Race-6 : Maraming maaaring mangyari sa ikaanim na takbuhan dahil sa hindi pagkakalayo ng mga pruwebang naitala, kaya isama lang kung may iba pa kayong magustuhan bukod sa aking mga kukuhanin na sina (4) Sultanov, (2) Maaasahan at (6) Caraga Wonder.

Race-7 : Balikatan para sa akin sina (12) Krugerrand at (2) Lucky Julliane dahil sa ganda ng mga numero nila sa aparato, tanging sa diskarte na lamang magkakatalo.

Race-8 : Makikilatis natin ang ng mga bagitong mananakbo na sina (10) Parabellum at (5) Enzo kung gaano na katibay kontra sa mga bihasang makakatunggali.

Race-9 : Isang magandang bakbakan ang nailatag sa huling karera, kaya magdagdag upang maka­siguro sa inyong mga paratingan. Choices ko ay sina (3) Dealmaker, (4) Star Is Born at (5) Oktubre Katorse. Goodluck.

About Fred Magno

Check Also

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

 OLONGAPO CITY, Zambales – Namayani ang mga atletang Hapones sa elite division ng 2025 Subic …

PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na …

LA Cañizares Tao Yee Tan Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Kampeon sa Pro Mix ng APPT Kuala Lumpur Open

NAGPAMALAS ng husay ang ating mga atleta matapos masungkit nina LA Cañizares at Tao Yee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *