ni Nonie Nicasio
Gari Escobar, ipinagtanggol ang Jollibee
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ng singer/songwriter na si Gari Escobar ang saloobin niya ukol sa isyung kinasasangkutan ng Jollibee. Suportado niya ang sikat na giant Pinoy fast food sa nangyaring insidente kamakailan.
“Bilang isang Pinoy, isa ang Jollibee sa brands na tinatangkilik ko talaga kahit sa panahon na nagda-diet ako. Hindi ko talaga mapigilan pumasok at mag-order ng paborito kong chicken joy with matching Jolli spaghetti, sobrang Pinoy ang sarap.
“Ang Jolibee as a company ay sobrang saludo ako, dahil very inspiring kung paano pinalago ni sir Tony (Tan Caktiong) mula sa isang maliit na outlet ang Jolibee into a global brand that it is now. Ang sarap ng pakiramdam ko ‘pag nababasa ko na may bagong branch sa US, sa Arab countries, etc. At proud ako at deep inside me ay nagpapasalamat ako kay sir Tony dahil isipin na lang natin kung ilang Filipino ang nabibigyan nila ng hanapbuhay dahil sa paglago ng Jollibee,” saad ni Gari.
Aniya, “Pinoy na Pinoy ang puso niya at inaabot niya ang kaya ng bulsa ng masa, para mas maraming masaya. Iba-iba tayo ng opinion bilang tao and I respect opinions different from mine.
“Pero kung ako ang tatanungin about the tuwalya issue, kung sa akin iyan nangyari, hindi ko iyan ipa-public. Why? Babalansehin ko, tulad ng tinatawag kong emotional bank account, ano ang mas matimbang: Ang mabubuting nagawa ng Jollibee o ang negative? Very obvious ang katotohanan na asset ng Filipinas ang Jollibee and in fact ay isa itong cultural icon na dapat nating protektahan ang image dahil dala nito ang pangalan ng Filipinas. Ito lang ang brand na hindi natalo ng MCdonald’s sa isang bansa, anywhere in the world, na dapat nating ipagmalaki at ikatuwa.”
Pagpapatuloy ni Gari, “Ang mga taong sumasaya kay Jollibee ay mula sa pinakabata kahit hindi pa marunong magsalita, hanggang sa mga lolo at lola natin, mga taong umaasa kay Jollibee dahil sa hanapbuhay, na nailagay ang Filipinas sa mapa sa pamamagitan ng isang magandang brand.
“Sa panahon na ito, more than ever ay mas dapat natin tangkilikin ang Jollibee dahil sa rami ng positive values na naituro nito sa mga Pinoy, thru their heart warming ads na ang itinuturong values ay pagmamahal sa pamilya, sa employment, sa tax contribution at sa charitable projects nila.
“Ibalik natin ang spirit ng bayanihan, let’s show gratitude to Jollibee, ngayon na kailangan niya ito para patuloy niyang matulungan ang maraming Filipino,” nakangiting pakli ni Gari.