Wednesday , April 9 2025
arrest prison

Laborer kulong, Walang facemask at lumabag sa curfew hours

SWAK sa kulungan ang isang construction worker matapos magwala at manlaban sa mga bara­ngay tanod na sumita sa kanya sa hindi pagsusuot ng face mask at paglabag sa curfew hours sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Mark Angelo Torres, 2o anyos, residente sa Guava Road, Brgy. Potrero ng nasabing lungsod at  nahaharap sa kasong Direct Assault at Alarms and Scandal.

Batay sa pinag­samang ulat nina police staff sergeants (P/SSgts.) Mardelio Osting at Diego Ngippol kay Malabon City police chief Col. Albert Barot, dakong 12:00 am, nagpapatrolya ang mga barangay tanod ng Brgy. Potrero sa kahabaan ng Guava Road nang makita nila ang suspek na walang suot na facemask at lumabag sa curfew.

Inimbitahan ng mga tanod si Torres sa kanilang barangay para sa documentation ngunit bigla na lamang nagwala at pinagsisigawan ng masasamang salita ang arresting officers.

Inawat ng mga tanod ang suspek ngunit hindi sila pinansin at nag­patuloy sa pagwawala kaya inaresto ngunit pumalag si Torres at pinagsisipa ang arresting officers hanggang siya’y maposasan.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police ops
3 tulak, 2 pugante swak sa hoyo

SA PINAIGTING na pasisikap ng pulisya laban sa kriminalidad, naaresto ang limang indibidwal na pawang …

knife, blood, prison

Step-son patay, ka-live-in sugatan sa saksak ng selosong partner

NADAKIP ng pulisya nitong Sabado, 5 Abril, ang isang lalaking inakusahang pumatay sa kaniyang anak-anakan …

Marilao Bulacan Planta sangkap bomba NBI

Sa Marilao, Bulacan
Planta ng sangkap sa paggawa ng bomba sinalakay ng NBI

SINALAKAY ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tulong ng lokal na pulisya ang isang …

Cebu

Cebu isinusulong bilang Heritage Pilgrimage

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan …

Chiz Escudero Imee Marcos

In aid of legislation
Imbestigasyon ni Marcos Ipinagtanggol ni Escudero

IPINAGTANGGOL ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on foreign …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *