Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Pambato ng oposisyon maaaring si Isko, si Leni o si Grace

SIPAT
ni Mat Vicencio

MABIBIGONG manatiling muli sa impluwensiya o kontrol ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pamahalaan kung solidong magkakaisa ang lahat ng bloke ng oposisyon na magkaroon ng isang kandidatong tatakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan sa 2022.

Ito lamang ang nalalabing solusyon ng oposisyon kung nais nilang sipain at tapusin ang paghahari ni Digong at hindi na muling makapaghalal ng kaalyadong kandidato bilang pangulo.

Ang lahat ng galit at nandidiri kay Digong ay dapat na magkaisa. Sakripisyo ang kailangan at hindi dapat na maging makasarili, at magparaya sa kung sino man ang mapipiling kandidato para masiguro ang tagumpay laban sa mamanukin ni Digong.

Sa kasalukuyan, sina Manila Mayor Isko Moreno, Vice President Leni Robredo, at Senator Grace Poe lamang ang lumalabas na maaaring piliin ng oposisyon na maging kandidato para mapabagsak ang presidential bet ni Digong.

Lilinawain natin, hindi nangangahulugan na ang oposisyong sinasabi ay ang 1Sambayan, kundi bahagi lamang ito ng isang united front o nagkakaisang prente ng lahat ng political groups at simpleng mamamayan na nagnanais na hindi na muling makapaghari si Digong.

Kailangang madaliin ng oposisyon ang kanilang plano at kung magkakaisa ay kaagad na ihayag kung sino kina Isko, Leni, at Grace ang magiging presidential candidate sa 2022 na ibabangga sa babasbasang kandidato ni Digong.

Kalabisan na ang anim na taong paghahari ni Digong at hindi mapanghahawakan ang sinasabing makinarya, organisasyon at pera na titiyak sa panalo ng kanilang kandidato dahil na rin sa mga kapalpapakan sa pagpapatakbo ng gobyerno ng kasalukuyang liderato.

Mahaba ang atraso ni Digong sa bayan.  Ang isyu sa West Philippine Sea, pagharap sa pandemya dulot ng COVID-19, korupsiyon, droga, unemployment at malalang krimen ang tatapos sa magiging kandidato ng administrasyon.

Sa kasalukuyan, paborable rin sa oposisyon ang nangyayaring gulo sa loob ng administration party lalo na ang bangayan nina Senator Manny Pacquiao at Energy Secretary Alfonso Cusi kabilang ang ‘sikuhan’ ng mga nag-aambisyong maging pangulo tulad nina dating Senador Bongbong Marcos, Sen. Bong Go, Rep. Alan Peter Cayetano at Davao City Mayor Sara Duterte.

Kailangang samantalahin ng oposisyon ang ‘labu-labo’ sa loob ng kasalukuyang pamahalaan at ituloy ang konsolidasyon ng lahat ng anti-Duterte groups at matukoy ang isang tunay na kandidatong magpapabagsak at tatapos sa mala-diktador na pamumuno ni Digong.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *