Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

21-anyos Rider nagulungan ng trak todas

HINDI nakaligtas ang isang 21-anyos na rider nang magulungan ng isang truck na nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

Patay agad ang bikti­mang kinilalang si Joseph Hilario, residente sa 1269 Bambang St., Tondo sanhi ng pinsala sa ulo at kata­wan.

Habang ang driver ng Hino Truck, may plakang NAW-4677, kinilalang si Jumar Mariñas, 45 anyos, residente sa Turo, Bocaue, Bulacan ay naaresto ni Pat. Robinson Oya ng Caloocan Police Sub-Station 2.

Batay sa ulat ni traffic investigator P/Cpl. Jomar Panigbatan, dakong 9:30 pm, kapwa tinatahak ni Hilario, sakay ng kanyang motorsiklo at ng truck na minamaneho ni Mariñas ang Rizal Avenue patu­ngong Maynila nang bigla umanong mawalan ng kontrol ang rider.

Pagdating sa 1st Avenue, bumagsak sa kalsada si Hilario, sa bahagi ng Brgy. 39, at doon nagulungan ng parating na truck na minamaneho ni Mariñas.

Sinampahan ng pulisya si Mariñas ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …