Sunday , December 22 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Huntahan ng mga hukluban

MAAGA pa ang gabi nang maganap ang lingguhang paglitaw ni Rodrigo Duterte.
Sa “weekly media briefing” panauhin si dating senador Juan Ponce-Enrile. Pinaunlakan umano ni Enrile ang paanyaya para magpaliwanag tungkol sa isyu ng West Philippine Sea na kinakamkam ng Tsina ngayon.
Nagbigay ng sariling sapantaha si Enrile sa programa tungkol sa WPS. Hindi gaanong kumibo si Duterte na kabaligtaran ng nakasanayan kapag kasama niya ang Gabinete niya. Wala siyang sinabi kundi “please go on ser” at inudyokan niya ang mga tao na pakinggan si “ser.”
 
Tila pinaghugutan ng kakaibang enerhiya at biglang sumigla si Enrile nang puriin siya ni “ser” at sinabi niya: “Only history will judge you. I think history will judge you very well. If I were in your place I would have done the same thing.”
Humagikgik ako sa sitwasyon na ang dalawang matatanda ay nagkaroon ng ‘mutual admiration club.’
Nakatatawa dahil para silang dalawang nagbidahan sa pondahan matapos ang ilang lagok ng “agua de pataranta.”
Tila naapektohan sila ng kani-kanilang “maintenance drugs” na sa tingin ko, ay may “narcotic effect.” Nang tanungin si Enrile kung sasaklolohan tayo ng mga kaalyado lalo na ang Estados Unidos, ito ang tugon niya: “Ang sinakop lang ng kasunduan natin sa Amerika ay kung may atake lamang sa ating barkong pandigma , o ating mga fighter planes sa Pasipiko. Saka lang puwede natin gamitin ‘yun… Sabi nila ‘yung West Philippine Sea is not part of the treaty area of the mutual treaty.”
Pero kapag binasa ang “statement” ng tagapagsalita ng US State Department Ned Price, heto ang sinabi niya: “An armed attack against the Philippines’ armed forces, public vessels, or aircraft in the Pacific INCLUDING THE SOUTH CHINA SEA will trigger our obligations under the US-Philippines Mutual Defense Treaty.”
Maliwanag sa sikat ng araw na dadamayan tayo ng hukbo ng Estados Unidos kapag sumambulat ang gera sa Pasipiko o West Philippine Sea. Dahil kasapakat ni Duterte ang Tsina, ginagawa niya ang lahat para malihis at mabaluktot ang katotohanan.
Aminin natin o hindi, si Rodrigo Roa Duterte ay ahente ng Tsina, at kinasangkapan niya ang isang hukluban na maging isang pananggalang niya.
Pero sino nga ba ang hukluban na si Juan Ponce Enrile? Sa mga umaantabay sa kasaysayan, si Juan Ponce-Enrile ay nakilala rin dahil sa mga isyu at intriga.
Ito ang ilang nakalap ko: Noong 1972 pineke niya ang kanyang pananambang na nagbigay-daan kay dating presidente Marcos na magdeklara ng Martial Law. Nasangkot siya sa hagarang pandaraya sa Cagayan noong 1986 snap presidential elections.
Noong EDSA Uno, inamin niya na peke ang nangyaring pananambang sa kanya noong 1972, at humingi siya ng tulong sa taongbayan na huwag siya madakip ng puwersa ni Marcos. Nasa likod din siya ng madudugong kudeta noong panahon ni Presidente Corazon Aquino.
Nasa likod siya ng pandaraya kay dating senador Nene Pimentel. Natalo siya nang tumakbo bilang pangulo noong 1998. Bomoto siya para huwag buksan ang sobre ng kontrobersiyal na “Jose Pidal hearing” na nagwakas sa pagpapatalsik kay Joseph Estrada.
 
Nagbalak na patalsikin si Gloria Macapagal Arroyo noong “2001 Labor Day Siege of Mendiola.”
Kumampanya kay FPJ pero pumanig kay Arroyo sa huli. Sumuporta sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona pero batid ng marami na ito ay pakitang-tao lamang. Nadawit sa “PDAF Scandal,” nakulong sa ospital ngunit pinalaya ni Duterte.
 
Noong 2016 kumampanya kay Bongbong Marcos, at doon na naging ganap na political supporter ni Duterte.
Makikita ang “political dynamics” sa pagitan ni Enrile at Duterte. Alam ni Duterte na ‘pag paninindigan ang usapan, madaling hulmahin ang kagaya ni Juan Ponce Enrile.
Kaya kung tatanungin ninyo ano sa palagay ko?
Sasagutin ko na hangga’t andiyan ang isang katulad ni Rodrigo Roa Duterte sa kabisera ng Malacañan. Ay naku hindi ako mapapalagay.
 
***
 
May nagaganap na alitan sa hanay ng “anti” kung sino ang manok ng oposisyon sa 2022. Dalawang manok: Leni Robredo at Sonny Trillanes.
Nang lumabas ang balita na maaaring makikipagsapalaran si Leni sa mas mababang posisyon na gobernador ng Camarines Sur, maraming maka-Leni ang nadesmaya. Nang nag-anunsyo si Sonny Trillanes na makikipagsapalaran siya sa posisyon ng pangulo ng Republika ng Filipinas maraming pro-Leni ang tumaas ang kilay at pumalag.
 
Simple ang paliwanag ni SenTri. Tatakbo siya bilang pangulo para lamang mapuno at matantusan ng lehitimong oposisyon ang puwesto, at bibitaw lamang siya at bibigyan-daan si Leni Robredo kapag nagpasya nang tumakbo sa pagka-pangulo ng Filipinas.
Maliwanag na maliwanag. Huwag lang mabakante ang puwesto ng tunay na oposisyon.
Walang problema, walang isyu, walang away.
‘Eka nga ng lolo kong hukluban:
“Don’t panic. Everything is under control by the rebels.”
 
TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *