Sunday , December 22 2024
Balaraw ni Ba Ipe
Balaraw ni Ba Ipe

Magretiro na lang

KUNG kami ang tatanungin, mas nais namin na magretiro na lang si Bise Presidente Leni Robredo sa daigdig ng politika. Maganda ang kanyang mga nagawa sa bansa bilang pangalawang pangulo sa nakalipas na limang taon. Matibay ang kanyang legacy sa aking pagtaya. Binigyang buhay ang konsepto ng “working vice president” at walang bise presidente maliban kay Leni Robredo ang maraming ginawa sa bansa sa kasaysayan.
 
Inamin niya na pinayohan siya ng kanyang mga anak na magretiro na lang pagkatapos ng kanyang termino sa 2022. Ngunit sa programa niya sa radio noong Linggo, ipinagdiinan na huwag siyang ‘pangunahan’ at “open to all options” daw siya. Bukas siya upang tumakbo sa panguluhan, gobernador ng Camarines Sur, kongresista, at kahit alkalde ng siyudad na hindi niya binanggit. Susme, iyan ang nasabi namin.
Walang inilinaw ang Pangalawang Pangulo sa kanyang mga plano noong Linggo. Pawang kalituhan kahit sa kanyang pinakamasugid na mga tagahanga. Hindi marubdob ang pangarap sa pinakamataas na puwestong politikal ng bansa. Hindi niya gagap ang kanyang sarili at para lamang pupunta ng Bise Presidente sa pasayaw ng barangay. Hindi nagniningas ang alab na baguhin ang bansa.
 
Sa aming pakiwari at ito ay aming pinangangatawanan, hindi tatakbo si Leni sa panguluhan. Wala sa puso ang panguluhan. Mas malaki ang posibilidad na sa local politics siya sasabak. Sapagkat mukhang tuloy-tuloy ang pagguho ng Liberal Party, maaari siyang makipag-alyansa sa mga Andaya at Arroyo (Dato Arroyo) sa kanyang lalawigan laban sa pinakamabagsik na political dynasty – ang mga Villafuerte.
 
Mukhang ito ang direksiyon na tatahakin ni Leni kung hindi pa siya magreretiro. Pinangungunahan ba siya? Nagpapaliwanag lang. Pero maganda sa lahat ang magretiro na siya. Quit while ahead. Habang matibay ang moog ng kanyang legacy (o iiwanan na pamana).
 
***
 
ISANG ilog ang naghihiwalay sa mga bayan ng San Narciso at San Felipe sa Zambales. Isang tulay naman ang nagdudugtong sa dalawang bayan na pawang nasa baybay-dagat ng lalawigan. Kamakailan, laking gulat ng mga mamamayan ng dalawang bayan nang masaksihan nila ang dredging operations ng isang kompanya na hindi nila kilala sa kanilang buong buhay.
 
Hinahalukay ng mga hindi kilalang tao ang ilog na tinaguriang Sto. Tomas ng isang kompanya na hindi kilala – Jetty Port. Misteryosong proyekto ng misteryosong kompanya sa hangganan ng San Narciso at San Felipe? Iyan ngayon ang tanong sapagkat walang makapagsabi sa pagkakakilanlan ng kompanya.
 
Maingay ang dredging operations sa tainga ng mga mamamayan at marumi sa kanilang mga mata sapagkat hinuhukay ang ilalim ng ilog. Hindi nila alam kung ano ang saysay ng dreding operations sapagkat walang sinuman ang nagpaliwanag sa kanila. Kinakabahan ang mga tao na mamatay ang ilog at mawala ang likas yaman. Hindi nila alam kung kaugnay ito sa anumang pagmimina ng likas yaman ng lalawigan. Sa China palagi napupunta ang mga namina.
 
Hindi alam kung may kaugnayan ang dredging operations sa isang proyekto upang maiwasan ang baha pagdating ng tag-ulan, or baguhin ang takbo ng tubig sa ilog kaugnay sa ilang operasyon ng pagmimina. Kilala ang Zambales sa pagkakaroon ng mga minahan. May balita na alam ito at pinayagan ng awtoridad ng pamahalaang lokal ng San Felipe, ngunit walang ibinigay na paliwanag ang mga opisyal doon. May ugnayan ba sa LGU ng San Narciso. Maraming tanong na hindi sinasagot.
 
Teka nga pala. Nagbuklod ang mga mamamayan ng dalawang bayan na karamihan ay mga mangingisda upang buuin ang Save Zambales Kalikasan Movement, isang civil society organization upang pangalagaan ang kaligiran ng lalawigan. Abangan.
 
***
 
MAY ilang tala si Marites Daguilan-Vitug tungkol sa pagbaligtad ng pahayag ni Juan Ponce Enrile tungkol sa usapin ng West Philippine Sea (WPS). Pakibasa:
 
“Juan Ponce Enrile, then Senate President, was part of a crucial Cabinet meeting called by PNoy in July 2012, weeks after China took control of Scarborough Shoal. President Aquino posed the question: Should we confine our dispute with China over the West Philippine Sea to a bilateral level? Or should we involve our allies and go multilateral?
 
Filing a case with an international arbitral tribunal was not yet on the agenda.
 
Enrile said the country should assert its rights and consult its allies first without forgoing bilateral talks.
 
The meeting ended with a majority supporting “internationalizing” the dispute. (From Rock Solid, p 148.)
 
I interviewed Enrile for the book and he was supportive of Aquino’s policy. Today, he’s supportive of Duterte’s pivot to China. During the Marcos years, he backed Marcos’s decision to occupy parts of the Spratlys.
 
***
 
MAWAWALA talaga sa hulog si Rodrigo Duterte sa isyu ng West Philippine Sea. Kahit sandamukal na diplomatic protest ang inihain ni Teddy Locsin sa China at kahit anong ngawa ng kanyang mga opisyal, ayaw umalis ng mga sasakyang pandagat ng Chinese maritime militia sa WPS. Kinamkam na ito ng China. Walang magawa si Duterte kundi magmukhang taksil sa Filipinas.
 
Hindi siya makatakbo sa mga kakampi na tulad ng Estados Unidos dahil magmumukha siyang tanga. Ang dami niyang sinasabi na negatibo sa Estados Unidos at hindi nababagay sa kanyang estado sa politika kung lalapit siya sa Washington. Hindi nababawasan ang tingin sa kanya ng mga Filipino na traydor siya at Makapili. Siya ang tao ng China sa Filipinas. Gagawin ni Duterte ang lahat, para mapasaya ang China.
 
Mukhang natakot si Duterte sa epekto ng kanyang sinabi kamakailan na nasa pag-aari ng China ang West Philippine Sea. Marami ang nagtatanong sa kanya at humingi ng paglilinaw. Ngunit kahit anong paliwanag ni Duterte, isa lang ang konklusyon: Taksil nga siya sa bayan. Siya ang bata ng China sa Filipinas .
 
Mamamatay si Duterte na iyan ang tatak ng kanyang pagkatao: Taksil sa bayan, Traydor, at Makapili. Wala na kaming sinabi.
 
BALARAW
ni Ba Ipe
 

About Ba Ipe

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *