Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Valenzuela

73 lolo’t lola bakunado na sa Valenzuela (Matatandang inabandona ng pamilya)

INIHAYAG ni Mayor Rex Gatchalian, nabigyan na ng kanilang unang dose ng CoronaVac kontra CoVid-19 ang nasa 73 matatandang inabandona ng kanilang mga pamilya sa lansangan ng lungsod.

“Remember the 73 senior citizens who were abandoned by their families and now live in ‘Bahay Kalinga,’ it’s their turn to be vaccinated,” ani Mayor Rex.

Ayon kay Public Information Officer Zyan Caiña, karamihan sa matatanda ay iniligtas ng pamahalaang lungsod matapos silang abando­nahin ng kanilang mga pamilya sa lansangan, ilang buwan na ang nakalilipas.

Ang napabayaang senior citizens ay pan­samantalang nakatira sa Bahay Kalinga na pinon­do­han ng lungsod na matatagpuan sa Barangay Canumay West, ang kalahati ay para sa mga kabataan na nangangailangan ng special protection (CNSP) o sa mga inaabuso at napabayaang bata.

Ang pamahalaang lungsod ay nag-set-up ng pansamantalang dormitoryo sa loob ng Bahay Kalinga upang matulungan ang mga inabandonang senior citizens habang itinatayo ang isang permanenteng estruktura na eksklusibo para sa kanila.

Tiniyak ni Gatchalian, ang mga inabandonang matatanda ay bibigyan ng bakuna kontra CoVid-19 bago mailipat sa kani­lang mga bagong tahanan, ang Bahay Kanlungan, na matatagpuan din sa naturang lugar.

“It’s the best way to protect them and the entire community as well,” ayon sa alkalde ng Valenzuela na nagsabing ang kanilang bagong tirahan ay matatagpuan sa propriedad ng kan­yang ama na si William Gatchalian, nagbigay nito sa lokal na pamahalaan para sa nasabing layunin.

Ang Bahay Kalinga ay itinatag noong pana­hon ni Mayor at ngayon ay Senador Sherwin “Win” Gatchalian na tumupad sa kanyang pangakong magtayo ng ganoong estruktura upang magsilbing pan­samantalang kanlungan ng mga street wanderers, foundling children at mga nakarekober mula sa pang-aabuso.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …