Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gari Escobar OPM fan, idol si Kuh Ledesma

IPINAHAYAG ng singer/songwriter na si Gari Escobar na isa siyang fan at supporter ng OPM o Original Pilipino Music. Ayon sa kanya, si Kuh Ledesma ang isa sa hinahangaan niyang artist mula pa noong hindi pa siya kumakanta professionally.
 
Lahad ni Gari, “Dapat po, sa ating mga Filipino magsimula ang pagmamahal sa ating kultura, sa ating sining, at sa ating mga awitin. Kaya salamat po sa mga nagmamahal at sumusuporta sa OPM.”
 
Nakangiting saad niya, “Sobrang fan po ako ng OPM, among those na mga kasama ko sa virtual concert ng PMPC, si Ms. Kuh Ledesma ay sobrang paborito ko po ang song niyang Wakas.
 
“Actually, may cover po ako niyon, old soul kasi ako kuya Nonie kaya marami akong favorites na favorites din ng Mom ko. Sobrang favorite ng mother ko si Kuh, pati hair niya noon ginaya, hehehe. Siya ang music lover na nakagisnan namin.”
 
Pahabol pa ni Gari, “Although marami rin akong favorites na foreign artists, the challenge is to help bring OPM to the world. Kaya ang songs ko po na ire-release ay 100 percent OPM.”
 
Nabanggit pa ni Gari na naaalala niya ang kanyang mother kapag nakikita si Kuh.
 
“Kaya noong nagsasalita ako sa Aliw Awards, natulala ako for a while nang makita ko sa harap ko si Ms. Kuh, sobrang paborito ko siya. Nagagandahan ako sa kanya. And kaya ko paborito si Kuh, kasi naaalala ko ang mother ko sa kanya.”
 
Sa ngayon ay may pinaplanong virtual concert si Gari. “Mayroon po kaming pinaplano this June, pinag-iisipan pa lang po ang concept at kung sino ang makakasama ko,” pakli pa niya.
 
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …