Saturday , November 16 2024
fire dead

Dalawang 3-anyos paslit patay sa sunog sa Caloocan

DALAWANG batang edad 3-anyos ang namatay sa sumiklab na sunog sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Patay nang idating sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga paso sa katawan ang biktimang si Kendal Janda, 3 anyos, babae; habang hindi rin umabot nang buhay sa Tondo Hospital sanhi ng suffocation si Mikho Cabansag, 3 anyos.

Ayon kay Caloocan Fire Arson Investigator FO1 Billy Reuben Umipig, dakong 6:35 pm, nakatanggap sila ng tawag mula sa 911 hinggil sa naganap na sunog sa Ana Bustamante St., 2nd Avenue, Brgy. 43.

Kaagad inatasan ni Fire Insp. Elyzer Ruben Leal, hepe ng Caloocan Fire Protection Investigation Intelligence Office ang kanyang mga tauhan na magresponde sa naturang lugar. Idineklarang fireout ang sunog dakong 6:44 pm.

Isang Alvin Ramos, residente sa naturang lugar ang tumulong na makuha sa nasusunog na bahay ang mga biktima at kaagad isinugod sa naturang mga pagamutan.

Sa imbestigasyon ni FO1 Umipig, tatlong pamilya ang naapektohan ng sunog na nagsimula sa isang kuwarto sa unang palapag ng bahay habang tinatayang nasa P60,000 ang halaga ng ari-ariang tinupok ng apoy. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *