Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charo Laude, swak sa pandemic ang bagong single na Pikit Mata

LALABAS ngayong April ang bagong single ng singer/beauty queen na si Charo Laude titled Pikit Mata, composed and written nina Abe Hipolito at Tess Aguilar at mix mastered ni Rannie Raymundo, ito ay mula sa Alakdan Records.

Ayon kay Ms. Charo, ang kanyang latest single ay napapanahon at isa itong wake-up call para sa lahat.

Saad niya, “Ang Pikit Mata ay isang kantang ginawa tungkol sa pandemya at mga kalamidad na nangyayari sa buong mundo. It’s a wake up call sa mga tao na dapat maging positibo pa rin tayo at manalig sa Diyos. Dahil lahat ng mga nangyayaring ito ay may kalutasan.

Napapanahon ang song at marami ang makare-relate rito.”

Samantala, isa si Ms. Charo sa aabangan sa Awit sa Pandemiya, a PMPC Virtual Benefit Concert.

Aniya, “I will sing my song Sana and Pikit Mata sa concert ng PMPC. Masaya ako at proud dahil napasama ako sa isang natatanging concert tulad nito at masarap sa feeling ang makatulong sa mga kapatid natin na bumubuo ng PMPC at makasama ang mga batikan sa larangan ng musika.

“Then i-promote ko na rin ang nalalapit na national pageant ng Mrs. Universe Philippines this August. Ang mananalo at tatanghaling Mrs. U Phils 2021 will compete in Korea this November 2021. Still open ang nationwide search and screening nito to all empowered women, married, single mom, annulled, divorce.

“Please like our page for more details, Mrs. Universe Philippines and follow my Instagram-Charo Laude, FB-Maria Charo Calalo/Charo Laude, YouTube-Queen Charo. Iyong song ko na Sana at Pikit Mata ay available in Spotify, YouTube, Vevo, Apple Music, and all digital platforms,” saad ni Ms. Charo.

Tampok sa Awit sa Pandemiya, a PMPC Virtual Benefit Concert sina Alden Richards, Jed Madela, Christian Bautista, Luke Mejares, Ima Castro, Gerald Santos, Jeric Gonzales, at Kuh Ledesma. Kasama rin sina Jos Garcia, JV Decena , Gari Escobar, Christi Fider, Joaquin Garcia, Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa, Lil Vinceyy, at Zcentido.

Ito ay gaganapin sa April 18, Sunday 8 PM (PHST & SGT) 5 AM (PDT) thru ticket2me.net.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …