Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sean de Guzman, nag-e-enjoy sa shooting ng Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa

SOBRA ang pasasalamat ng Clique V member na si Sean de Guzman sa patuloy na pagdating ng maraming projects sa kanya.

Matapos magbida at magpakita nang husay sa Anak ng Macho Dancer, maraming naka-line up na pelikulang tatampukan si Sean. Isa na rito ang Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, kasama si Teejay Marquez.

Ang pelikula ay mula sa pamamahala ng award-winning director na si Joel Lamangan.

Ayon kay Sean, nag-e-enjoy siya sa shooting ng kanilang pelikula na pansamantalang natigil nang nagka-ECQ sa Metro Manila.

Aniya, “Okay naman so far ‘yung three days shoot namin, pero dahil nagka-ECQ kaya na-stop muna ang shooting. So, hindi namin alam kung kailan magre-resume.”

Dagdag ni Sean, “Yes, nag-e-enjoy ako sa pelikulang ito, kakaiba siya, comedy ito at nakatatawa talaga lalo na kapag nasa set. Iba ‘yung nagiging aura ng mga tao, tawanan lang at ang saya. At lalo na, maninibago ka kay direk Joel, dahil first time ko mapasama sa idinirek ni Direk Joel na isang comedy. Kaya chill lang kami sa set.”

Kumustang katrabaho si Teejay? May intimate scene ba sila sa movie?

“Yes po, mayroon kaming intimate scene rito ni Teejay. Maayos katrabaho si Teejay, mabait, at professional,” saad ni Sean na under ng 3:16 Events & Talent Management ng mabait na manager na si Ms. Len Carrillo.

Incidentally, bukod kay Sean, ang iba pang talents ng Ms. Len na humahataw ang career ay sina Cloe Barreto, Marco Gomez, Quinn Carrillo, at Karl Aquino.

Ang apat ay mapapanood sa kaabang-abang na pelikulang Silab, under ng 3:16 Media Network.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …