Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Kapahamakan ang basbas ni Digong

MERON bang dapat ipagbunyi sina dating Senator Bongbong Marcos, Senator Mannny Pacquiao, at Manila Mayor Isko Moreno nang sabihin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na malamang ang isa sa kanila ay kanyang babasbasan sa darating na presidential elections?

Sa nangyayaring kapalpakan sa administrasyon ni Digong, mukhang magkakamali sina Bongbong, Manny, at Isko kung papatulan nila ang pahayag ng pangulo.  Walang maidudulot na mabuting resulta sa kanilang political career kung ang isa man sa kanila ang magiging kandidato ni Digong sa darating na halalan.

Sobrang palpak ni Digong!

Sa ngayon, lahat ay nagtatanong kung si Digong pa rin ba ang may kontrol ng timon ng pamahalaan lalo na sa usapin nang pagpasok ng mga Tsino sa teritoryo ng Filipinas.

Parang lantang gulay ang itsura ni Digong at wala man lang pahayag o posisyon sa nangyayaring pambubrusko ng China sa Filipinas at makikita mo sa kanyang mga larawan na ipinamudmod sa media.

Kung inaakala ni Digong at ng kanyang mayordomong si Senator Bong Go na natututuwa pa rin sa pangulo ang taongbayan ay nag­kakamali sila. Galit na galit na ang mamamayang Filipino sa nangyayaring gamol na pagpapatakbo ni Digong sa bayan.

Nasaan na rin ang ipinagmamalaki ni Digong na kanyang tatapusin ang korupsiyon, krimen at droga?  Hanggang ngayon ang mga problemang ito ay malaganap at patuloy, kasabay ang lumalalang problema ng kawalang hanapbuhay at mataas na presyo ng mga bilihin.

At meron din bang nagawang solusyon ang pamahalaang ito sa patuloy na pananalasa ng CoVid-19?  Wala at kung meron man, walang iba ito kundi ang kapighatian, kahirapan at kamatayan!

Sino rin ba ang maniniwala sa resulta ng survey na ginawa nitong Da Who na Publicus Asia Inc., na mataas pa rin daw ang trust at approval rating ni Digong sa kabila ng kaliwa’t kanang kapalpakan ng kanyang administrasyon?

Hindi ba matatawag na PR group ang Publicus at pinatatakbo ng isang dambuhalang nilalang?  Hoy, puro kayo diskarte, walang naniniwala sa inyo!

Kaya nga, kailangang mag isip-isip itong sina Bongbong, Manny, at Isko dahil kung isa man sa kanila ang babasbasan ni Digong, malamang sa kangkungan pupulutin sa darating na eleksiyon.

Sabagay, ang pahayag naman ni Digong tungkol sa endorsement nina Bongbong, Manny, at Isko, ay mangyayari lamang kung hindi raw tatakbo ang kanyang anak na si Sara o ang mayordomo niyang si Bong Go. Mabuti naman.

SIPAT
ni Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …