Thursday , May 8 2025

Tricycle driver, nanuhol sa pulis (Umiwas sa tiket)

IMBES makalibre sa tiket dahil sa paglabag sa traffic restriction code, inaresto ang isang tricycle driver, matapos balikan ang mga pulis at suhulan ng P1,000 kapalit ng pagbawi sa kanyang ordinance violation receipt (OVR) sa Malabon City, kahapon  ng madaling araw.

Ayon kay P/Col. Joel Villanueva, hepe ng Malabon city police, dakong 5:47 am nang sitahin nina P/Cpl. Bengie Nalogoc at P/Cpl. John Carlo Mata ng Malabon Police Sub-Station 6 si Leonardo dela Cruz, 47 anyos, habang patungo sa binabantayan nilang lugar sa Estrella St., Brgy. Tañong, na kabilang sa quarantine control point (QCP) sa lungsod.

Natuklasan ng mga pulis na nagmula sa Navotas City si Dela Cruz at pumasok sa lungsod ng Malabon, malinaw na paglabag sa umiiral na panuntunan sa ilalim ng ECQ kaya’t inisyuhan ng OVR ni P/Cpl. Nalogoc at pinabalik mula sa kanyang pinanggalingan.

Gayonman, ilang sandali lamang ay bumalik si Dela Cruz at inalok ng areglo ang mga pulis, sabay abot sa P1,000 bilang suhol.

Dahil dito, inaresto siya nang tuluyan ng mga pulis at dinala sa Station Investigation Unit ng Malabon police upang ireklamo kaugnay sa paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code o ang Corruption of Public Official.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *