Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cloe Barreto, aminadong kaabang-abang ang love scenes kina Marco at Jason

IPINAHAYAG ni Cloe Barreto na hindi siya halos maka­paniwala nang maging ganap na bida sa peliku­lang Silab. Ang launching movie ng seksing member ng Belladonnas ay pinamahalaan ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Saad ni Cloe, “Sobrang excitement po ang naramdaman ko, hanggang ngayon nga po ay hindi po ako halos makapaniwala na nakagawa ako ng movie na ako pa iyong isa sa bida.”

Tampok din sa pelikula sina Marco Gomez, Jason Abalos, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Christine Bermas, Rie Cervantes, at iba pa.

Ito ang ang biggest break ni Cloe na pinupuri ng marami ang husay sa pelikulang ito. Ano ang reaction niya sa feedback na ang galing-galing niya sa Silab at parang hindi raw siya baguhan?

Tugon ni Cloe, “Sobra pong natuwa, na at least kahit paano ay napapansin ako. Pero ginawa ko po talaga ‘yung best ko, so parang nakatataba po ng puso na makarinig (ka) ng mga comments na ganoon.”

Isasasali raw sa mga filmfest abroad ang kanilang pelikula, ano ang expectation niya rito? “Yes po, kinakabahan po ako… wish ko po na makapunta ako sa film festivals, sa mga ganoong award-award, sana po makapunta at magkatotoo iyon,” nakangiting sambit pa niya.

Aminado rin si Cloe na kaabang-abang ang love scenes niya kina Marco at Jason. Nakatawang wika niya, “Wild po talaga at kaabang-abang ito, hahaha!”

Saan siya sumabak sa mas matinding lampungan? “Iyong kay Marco po talaga ang mas daring at sexy na eksena, ‘yung love scene namin. And mas marami kaming love scene ni Marco, kompara kay Jason,” pag-amin pa ni Cloe.

Ang Silab ay mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network ng kanilang mabait na manager na si Ms. Len Carrillo.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …