Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mannix Carancho, ang cool na CEO sa likod ng tagumpay ng Prestige International

SI Mannix Carancho ang pasimuno sa tagumpay ng Prestige International. Bukod sa matagumpay na businessman, ang CEO ng Prestige ay kilala rin bilang philanthropist, talent manager, at Tiktoker.

Ayon sa kanya, nagsimula ang lahat seven years ago nang naisipan niyang gumawa ng sabon na parang libangan niya lang. Nagulat daw siya na mula sa 100 na simulang ginawa niya ay naging 5000 ito at palaki nang palaki ang ginawa nila dahil sa rami ng order.

Kuwento sa amin ni Mannix, “Mayroon kaming salon, parang na-bore ako dahil every day ‘yung routine na papasok sa salon, magbabantay tapos ay uuwi. Medyo naiinip ako, so sabi ko, kailangan akong gumawa ng ibang pagkakaabalahan. Kaya naisip kong magtinda ng sabon, kasi ay mahilig ako sa mga ganoon, sabon-sabon. Noong umpisa ay wala pang labels, pero same formulation iyon.”

Saad niya, “Nang nag-click ang sabon business, naisip kong maglabas pa ng ibang products, lalo na ‘yung trends. Hindi naman ako labas nang labas ng products, kasi iyong distributors ang naiisip ko, siyempre kapag naglabas kami tapos ay ‘di kikita, kawawa sila. So sabi ko, tuwing maglalabas kami kahit matagal kaming maglabas, sisiguraduhin ko na patok siya, iyong magki-click talaga.”

Nabanggit din niya kung gaano ka-fulfilling na lumaki ang Prestige company niya at maraming natutulungan.

“Napakasaya, kasi di ko akalain na may magme-message sa akin na, ‘Sir, thank you kasi nakabili ako ng lupa na ganito,’ ‘Bumili ako ng tatlong truck dahil sa kita ko sa Prestige,’ ‘Nakabili ako ng bahay ko,’ May mga ganyan kasing nagme-message, parang ‘di ko inaasahan na nagnegosyo lang ako, tapos bigla na rin akong makaka­tulong nang ganoon.

“So, napakalaking impact sa ibang tao. Kaya ‘pag minsan dumarating na napanghihinaan ako or sobrang tight ng competition, iniisip ko na lang sila para ma-motivate ako. Sa totoo lang, iyong mga dealers ng Prestige ay kabilang sa mga inspirasyon ko sa buhay,” masayang saad ni Mannix na may higit 600,000 followers sa TikTok.

Si Mannix din, katuwang si Amanda Salas ang nasa likod ng Mannix Carancho Artist and Talent Management.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …