Sunday , December 22 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Mga bagong hari-harian

NAKATATABA ng puso dahil ito ang ika-60 kolum ko sa pahayagan na ito. Lubos akong nagpapasalamat sa mga nagtiwala, lalo sa mga mambabasa ko. Sisikapin kong ihatid ang katotohanan nang patas at walang bahid na kasinungalingan dahil ito ay obligasyon ko.

Muli, daghang salamat sa imong tanan.

***

INILUNSAD kamakailan ang 1Sambayan. Kilusan ito ng puwersa-demokratiko ng bansa na ang layunin ay bumuo ng isang tunay at lehitimong oposisyon na makikipagtunggali sa puwersa ng administrasyon ni Rodrigo Duterte sa halalan.

Ang mga pangunahing nagtataguyod ng kilusan ay sina retiradong mahistrado ng Korte Suprema Antonio Carpio, dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, dating kalihim ng edukasyon Bro. Armin Luistro, dating kalihim ng ugnayang panlabas Albert Del Rosario, Kasama rin sina dating Rear Admiral Rommel Ong, dating gobernador ng Negros Occidental Rafael ‘Lito’ Coscolluela, dating Commission on Audit Commissioner Heidi Mendoza, dating mambabatas Neri Colmenares, Atty. Howard Calleja, Partido ng Manggagawa’s Rene Magtubo at Ricky Xavier. Kabilang ang Hesuwitang paring makata at makabayan Fr. Bert Alejo.

Layunin ng 1Sambayan ang baguhin ang umiiral na pag-alinlangan sa hanay ng oposisyon, at bumuo ng isang tunay at lehitimong puwersa kontra puwersa ng administrasyon ni Mr. Duterte sa 2022. Mayroon silang irerekomenda na standard bearer sa halalan.

Ayon kay dating SC Justice Antonio Carpio: “This government is really incompetent. They’ve been tested and everybody’s saying kulelat sila. So, we have to offer a better alternative for people because we don’t want the same thing to happen again in the next six years.”

Ani Justice Carpio: “The Filipino people deserve a better government. There are Filipino leaders who can do a much better job of running the government, reviving the economy, creating jobs for our people, and defending our territory and sovereign rights in the West Philippine Sea.”

Nasa listahan si VP Leni Robredo at dating senador Sonny Trillanes.

Kasama sa listahan sina Grace Poe, Isko Moreno, at Nancy Binay, na pawang ikinataas ng kilay at kinukuwestiyon ng marami.

***

NOONG Martes sa Emilio Aguinaldo Elementary School na pansamantalang vaccination site para sa ikatlong distrito ng Quezon City, may nangyari sa hanay na nakalaan para sa frontline health workers. Biglang sumingit ang humigit-kumulang 30 PNP personnel sa pila. Dumeretso sila sa harapan ng mga nagbibigay ng mga bakuna. Nadagdagan ng 20 pang pulis ang mga hindi pumila.

Sa pagkakaalam ko nasa Priority List 4 ang mga miyembro ng PNP. Ang mga frontline health workers ay nasa Priority List 1.

At napag-alaman ko na ang bakunang ibinibigay ay mula sa Astra-Zeneca. Matunog ang pangyayari dahil kumalat  ito sa social media.

Tungkol sa mga pulis na iyan, sabi ng matalik na kaibigan Ba Ipe: “Sila ang mga hari ngayon.”

***

NABAHALA si Senador Franklin Drilon sa balitang ipinatitigil ng administrasyon ni Duterte ang mga pribadong kompanya na bumili ng bakuna samantalang pinirmahan ni Duterte ang Republic Act 11525 o ang CoVid-19 Vaccination Act of 2021 na ipinasa ng Kongreso noong Pebrero. Layunin ng batas ay tumulong sa mabilisang pagbabakuna laban sa coronavirus.

Ayon kay Drilon ang pagpapatigil ni Duterte ay labag sa batas.

Ani Senador Drilon: “Who is playing God here once more?”

Dagdag niya: “It is everyone’s moral responsibility to share the vaccine in these difficult times.”

Nagbabala siya sa Department of Health (DOH) na ang pagpigil sa mga kompanyang nais makakuha ng sariling mga bakuna para sa kanilang empleyado ay ilegal at maaaring maharap sila sa asunto. Reaksiyon ito dahil sa balitang nakarating sa kanyang tanggapan na ang DOH sa pangunguna ng kanyang kalihim ay nagsumite kay Mr. Duterte ng isang “draft” ng utos na magbabawal sa mga pribadong kompanya na kumalap ng sariling bakuna para sa CoVid-19.

Dahil dito, nagpahayag noong Linggo si Drilon: “I am deeply disturbed by this report. If indeed such a draft administrative order exists, that is a clear violation of the COVID-19 Vaccination Act of 2021. Such a policy is discriminatory and morally unacceptable. The DOH does not have the authority to do that.”

Sa draft administrative order, nakasaad na ang NTF at DOH ang magrerebisa ng ikakalap na bakuna ng pribadong kompanya para maseguro na ang mga kasunduan na mangyayari ay hindi kasama sa industriya ng tabako, o mga produktong sakop ng EO 51 series of 1986 o Code of Marketing of Breastmilk Substitutes, Breastmilk Supplement at parehong produkto o ibang industrya na taliwas sa pampublikong kalusugan.

Sabi ni Senador Drilon: Section 5 of the law states that “private entities may procure CoVid-19 vaccines only in cooperation with the DOH and the NTF through a multiparty agreement, which shall include the DOH and the relevant supplier of CoVid-19 vaccine.”

Binalaan ni Drilon si Francisco Duque III na ipaiimbestiga niya kung pipilitin ni Duque na pigilin ang mga pribadong kompanya na tumulong sa programa ng bakuna.

“Wala pong pinipili ang virus kaya sana huwag natin piliin kung sino ang ating babakunahan o kung sino ang puwedeng bumili ng bakuna.”

Sa pagkalito ni Mr. Duterte at pag-alis niya ng garantiya para sa mga CoVid-19 vaccine makers, ito lang ang masasabi niya: “Unbelievable… We passed it. He signed it. He said there is a need for a law. There is a law.”

***

MGA PILING SALITA: “With all the killings, deaths, corruption, ineptness and economic hardship going on, there is only one solution: DUTERTE RESIGN!” – Sonny Trillanes

[email protected]

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *