Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Globe kaisa sa Global Recycling Day

BAHAGI na ng adbokasiya ng Globe na pangalagaan at proteksiyonan ang kapaligiran—sumali ang kompanya sa pandaigdigang kampanya sa pagre-recycle, tamang pagtatapon ng e-waste, pagpigil sa paggamit ng single-use plastic, at iba pang mga katulad na initiatiba kasabay ng pagdiriwang ng Global Recycling Day noong March 18.

Inilunsad noong 2018, ang Global Recycling Day ay naglalayong makatulong na makilala at ipagdiwang ang mahalagang papel na ginagampanan ng pagre-recycle sa hinaharap ng mundo.

Patuloy na hinihimok ng Globe ang mga empleado, partner, customer, at iba pang mga stakeholders nito na makipagtulungan sa iba’t ibang programang pangkapaligiran gaya ng E-waste Zero at ‘Wag Sa Single Use plastic o WasSUP. Ito ang mga programang naghihikayat sa responsableng paggamit at ‘pag recycle ng mga electronic gadgets at plastik.

“Sinimulan namin ang programang E-waste Zero noong 2014 para makaipon ng pondo na magagamit para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan sa Aklan matapos itong masira ng bagyong Haiyan. Mula noon, napalawak namin ang programa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga kompanya na kabilang sa Ayala Corporation Group, sa aming mga business clients, sa mga paaralan, at sa mga non-government organizations,” ani Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer at SVP para sa Corporate Communication.

Sa pamamagitan ng responsableng pag-recycle, mapapanatili at mapoprotektahan ang mga likas na yaman mula sa banta ng polusyon. Sa paraan ding ito, mabibigyan tulong at kabuhayan ang mga pamayanang nasa balag ng alanganin dahil sa kahirapan. Ang hindi wastong pagtatapon ng e-waste halimbawa, ay maaaring makasira sa kapaligiran at magdudulot ng panganib sa kalusugan dahil sila ay naglalaman ng mga nakalalason na sangkap tulad ng arsenic, cadmium, tingga, at mercury.

Kaya ang Globe, sa pamamagitan ng E-waste Zero, ay nakatuon sa responsableng pagtatapon at pag-recycle ng mga e-waste.  Ang programa ay isang paraan para sa mga indibidwal at samahan na magtapon ng kanilang luma o hindi gumaganang mga electronics apparatus at accessories sa mga recycle bin na makikita sa Globe Stores, mga piling mall at tanggapan ng mga partner na grupo. Maaari ring mapakinabangan ang libreng door-to-door pickup ng e-waste sa pamamagitan ng pag-access sa https://www.globe.com.ph/about-us/sustainability/environment.html

Sa kasalukuyan, may 1.4 milyong kilo ng e-waste na ang naibigay, nakolekta at naihatid sa pasilidad ng Treatment, Storage, and Disposal (TSD) na partner ng Globe. Ito ang Total Environment Solutions – Asset Material Management Philippines (TES-AMM) sa Pasig City at Maritrans Recycler, Inc sa Cebu. Ang mga e-wastes ay pinaghihiwalay para mabawi ang mga materyal na plastik, elektronikong sangkap, at mahalagang mga metal. Ang pangwakas na proseso ng pag-recycle ay ginagawa sa pasilidad ng TES-AMM sa Singapore.

Naglagay na rin ang Globe ng isang plastic shredder para matiyak na ang lahat ng mga natukoy na single-use plastic mula sa loob ng nasasakupang lugar ay napoproseso sa isang responsableng pamamaraan bago maihatid sa pasilidad ng Green Antz sa Taguig.

Samantala, nagbibigay ang Quanta Paper ng mga rolyo ng tissue paper sa Globe offices na may markang Green Choice Seal of Approval. Pinatutunayan nito na ang mga produkto ay ligtas para sa kapaligiran at ginawa alinsunod sa mga alituntunin ng Environmental Protection and Sustainable Development.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …