Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zara Lopez, thankful maging co-host sa What’s The Buzz?

PATULOY ang pagdating ng blessings kay Zara Lopez. Bukod kasi sa pagiging parte niya ng casts ng Ikaw Ay Akin starring Meg Imperial at Fabio Ide at napapanood every Saturday, 8pm, sa Net25, mayroon din siyang forthcoming digital online show.

Ang title ng online show ni Zara ay What’s The Buzz? Kasama niya rito sina S

abrina M., Kristine Quinto, Jinky Aguilar, at Romm Burlat na magiging direktor din ng show.

Inusisa namin ang former Viva Hot babe tungkol sa show na nakatakdang mag-premiere sa April 10 sa K5 Digital Media television.

Esplika niya, “Under po siya ng K5, digital online po ito, sa YouTube po mapapanood. Showbiz talk show po siya.”

Saad ni Zara, “Honestly, gusto ko po talagang maging host, kasi alam ko po na may kakayanan din po ako pagdating sa hosting, lalo na kung ang pag-uusapan po or topic po is about buhay or nangyayari sa buhay-buhay.

“First time ko po maging host and challenging po sa akin ito. I know in my heart na kaya ko pong gampanan ‘yung magiging trabaho ko rito, kasi pangarap ko rin po talaga na maging isang host. Dito ko po masusubukan ‘yung sarili ko.”

Si Direk Romm ba ang kumuha sa kanya sa show? “Yes po si Direk Romm po mismo ang nag-decide na kumuha sa akin. And very thankful po ako na napili niya na maging co-host sa new program na ito,” sambit ni Zara.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …