Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina Alegre, laging nasa puso ang showbiz kahit pumasok sa politika

NAGPAPASALAMAT ang aktres/politician na si Ina Alegre dahil nabigyan siya ng pagkakataong muling gumawa ng pelikula sa pamamagitan ng Abe-Nida, na tinatampukan nina Allen Dizon at Katrina Halili.

Ang naturang pelikula ay passion project at bagong obra ni Direk Louie Ignacio. Ito’y mula sa istorya ni Direk Louie mismo at sa script ni Direk Ralston Jover.

“Magandang project ito, magandang comeback ito, kaya thankful ako. Siyempre rito ako galing, eh, talagang hinahanap ng katawan ko, hinahanap ng puso mo kung saan ka galing. Kaya big break ito para sa akin at sa ating bayan, kasi sa gitna ng pandemic ay may ganitong movie at may nagtitiyagang mag-produce ng pelikula.”

Dagdag pa niya, “Although siyempre, ito na rin ang pagkakataon ng mga producer, kasi halos lahat ng tao ay nasa bahay lang. And internet based na lahat ng mga tao halos… hindi makatulog, so ang gagawin nila ay manood na lang nang manood ng movie na kailangan talaga ay may mapagpilian sila. So, siguro ito yung way para maiba yung pananaw nila sa Filipino movies.”

Ang Abe-Nida ang hudyat sa pagbabalik ng BG Productions International ni Ms. Baby Go sa pagagawa ng pelikula na natigil dahil sa pandemic at nang nagkasakit ang kanyang mister.

Ano ang reaction niya na pulos magagaling ang kasama niya sa Abe-Nida?

Aniya, “Ay grabe, Allen Dizon, Katrina Halili, ang director ay si Direk Louie Ignacio. Tapos nandito rin sina Direk Joel Lamangan at Laurice Guillen. Grabe, hindi ko na alam, nakakatuwa. Pero siyempre, mga batikan iyan eh at ako’y kailangang alalayan pa rin nila. Kasi siyempre ay nagbabalik ako, so medyo nakalimutan ko na iyong ibang ginagawa sa showbiz. Pero siyempre ay nasa puso ko iyan.”

Lagi bang nasa puso niya ang showbiz kahit nasa public service na siya?

Tugon ni Mayor Ina, “Oo nasa puso iyan, nakaukit na sa puso mo, nasa dugo na eh, dumadaloy na sa dugo mo yung showbiz. Masarap yung ganitong pakiramdam, iyong nagbabalik ka na, ‘Uy, puwede pa pala ako kahit politiko na ako’. Siyempre iniisip ko na baka hindi na ako puwede, kasi ay politician na ako, baka hindi na nila tanggap.

“Pero siguro ay advantage rin iyan sa mga kamukha naming artista na nasa politika, kasi siyempre ay may manonood sa iyo, yung mga supporter mo sa probinsiya, may built in viewers na agad. Na iyong mga bumoto sa iyo, for sure ay aabangan ang pelikula mo.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …