Thursday , December 26 2024

Let’s wait for our turn…

NASA bansa na ang bakuna “Coronavac” na gawa ng Sinovac. Donasyon ito ng gobyernong Tsina. Dumating ang bakuna dalawang linggo bago ang unang taon ng pagdedeklara ng lockdown ng gobyernong Filipino sa bansa.

Matatandaan noong 15 Marso 2020 nang ilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus na sinasabing originated sa bansang Tsina noong Disyembre 2019.

Ano pa man, nang umatake ang virus hindi lang sa buong bansa kung hindi sa buong mundo, ang lahat ay nananalangin na sana’y matapos na ang pandemya at nawa’y gabayan ng Panginoong Diyos ang mga dalubhasa ng medisina na makagawa na ng bakuna laban sa CoVid-19.

Salamat sa Diyos, may bakuna na at narito na rin sa bansa bagamat marami ang nag-aalinlangan nang sabihing ‘mahinang’ klase ang CoronaVac dahil 52% lang ang efficacy nito at hindi puwede sa health workers at senior citizens. Hindi raw uubra sa medical health frontliners dahil ang kailangan para sa kanila ay mas mataas na klase ng bakuna.

Pero ano pa man, maari pa rin ito sa medical frontliners – naproprotektahan pa rin sila kahit paano.

Bago dumating sa bansa ang bakuna, gumawa ng kalakaran ang gobyerno – kung sino ang mga mauunang turukan ng bakuna. Nangunguna ang medical frontliners natin – mga doktor, nurses, and allied professions na nag-aasikaso sa mga pasyente sa iba’t ibang pagamutan.

Nang dumating ang bakuna, kahit na sinasabing mahinang klase para sa medical frontliners, marami pa rin ang mga doktor natin o mga nagtatrabaho sa ospital ang nagpaturok ng Coronavac. Yes, sa kabila ng kontrobersiyal na kritisimo laban sa bakuna.

Nang marami nang nagpaturok, marami na ring gusto nito at medyo naisantabi na ang isyu laban sa coronaVac. ‘Ika nga, nandyan na iyan (bakuna) bakit hindi pa tayo magpaturok. Malaking oportunidad na ito. Pero klarohin natin ha, mga medical practicing health workers muna ang mauuna daw maging ang mga nagtatrabaho sa ospital – mga empleyado.

Malapit kasi ang CoVid-19 sa kanilang lahat kaya kinakailangang sila muna ang priority…saka na lang muna ang masa.

Pero sinasabi nga, kapag dumating talaga ang panahon, ang lahat ay…siyempre ang nais ay makaligtas laban sa CoVid-19. Gustong maturukan ng vaccine pero sa ngayon ay hindi nga uubra dahil may sinusunod na kalakaran. Mauna muna ang medical frontliners natin.

Nagsimula na nga last week ang pagtuturok. May sinusundan na schedule kung sino ang dapat unahin na maturukan ng bakuna. Hindi iyan lingid sa kaalaman ng publiko lalo ang mga lider ng bansa, mula Palasyo hanggang Kongreso o barangay sectors.

Ang mga mambabatas ay pampito sa order of  priority bilang government workers pero hindi sila ang pinakauna, puwera na lamang kung sila ay senior citizen o persons with comorbidities.

Uli sa listahan, ang mga health/medical frontliners ang mauunang tuturukan batay sa listahan na binuo ng ‘Interim’ National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG). Ito ang grupo ng health experts na kinokonsulta ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Nasunod ang lahat nitong nakaraang linggo hanggang ngayon pero, ano itong  napaulat na si Cong. Helen Tan ay nagpabakuna na. Ha! Ba’t nagkaganoon. Hindi ba pampito ang mga mambabatas? Well, nagpaturok siya dahil daw kasama siya bilang miyembro ng immediate family ng kanyang anak na doctor na nagtatrabaho sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Pero teka, hindi ba doktor din si madam Helen? So, puwede nga siyang maturukan – sana, iyon nga lang ay hindi daw siya medical frontliner worker pero doktor si Madame. Tulad nga ng wika ni Cong. Tan na nagpabakuna daw siya hindi bilang isang mambabatas kung hindi bilang isang frontliner – doktor siya e.

Oo nga’t doktor si madame pero bilang mambabatas naman sana — since mayroon naman sinusunod na kalakaran sa sino ang mga nauuna, sumunod naman tayo. Teka doktor nga siya kaya isa sa pinakaunang may proyoridad. Ang kulit niya ha!

Ano pa man, ipinag-utos na rin ang isang imbestigasyon sa sinasabing paglabag ni Cong Helen sa patakaran  dahil wala pa ngang direktiba na maaari nang turukan ng bakuna ang dependents ng healthcare workers.

Paano iyan madame, wala pa palang kautusan daw para sa dependents? Ang kulit n’yo naman, doktor nga si Cong. Helen kaya “frontliner” siya. Hindi rin naman daw siya nagpa-VIP kung hindi, kinuha niya ang dose bilang isang doktor. Ha ha ha!

Ang tanong, saan naman kaya aabutin ang imbestigasyon? May mangyayari ba? E sino ang mag-iimbestiga, ang mga kapwa niya mambabatas?

Pero teka, si Madame Tan lang ba, among the leaders, ang nagpaturok na o sinasabing lumabag sa priority list? Paano iyong mga alkalde, chairman ng MMDA, at iba pa? Mga doktor din ba sila? Basta, malinaw ang kautusan na may sinusunod na listahan. Let’s wait for our turn ‘ika nga. Sino ba ang ayaw na mauna ng pagpapatuork ng bakuna lalo na kapag libre?

Lahat!

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *