Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binatilyo sugatan sa saksak, mister sugatan sa bala

SUGATAN ang isang 16-anyos binatilyo at  isang 53-anyos mister matapos ang naganap na insidente ng pananaksak at pamamaril sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ni P/Cpl. Mayett Simeon, may hawak ng kaso, dakong 11:30 pm, sa loob ng isang computer shop na matatagpuan sa 8th St., Block 4 Lot 11, Brgy. Tañong ng nasabing lungsod.

Nasa loob ng computer shop ang biktimang itinago sa pangalang Marfe at ang suspek na menor de edad,  kapwa residente sa nasabing barangay.

Nagulat na lamang ang mga tao sa lugar nang biglang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang 16-anyos na biktima at isang batang lalaki na hindi pinangalanan.

Nang makita ng biktima, tinangka nitong umawat ngunit humablot ang galit na suspek ng isang bote ng beer saka binasag at iwinasiwas sa biktima na naging dahilan upang masugatan sa kanang hita.

Mabilis na isinugod ang biktima sa San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital at kalaunan ay inilipat sa Valenzuela General Hospital (ValGen).

Samantala, ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Ronald Gutierrez, 53 anyos   residente sa Block 4 Lot 11, Brgy. Tañong sanhi ng tama ng bala ng hindi batid na kalibre ng baril sa likod.

Sa  pinagsamang ulat nina P/SSgt. Corazon Nuque at Ernie Baroy,  kasunod na naganap ang pananaksak sa ikalawang biktima sa nasabi rin lugar.

Nabatid na bumibili ng sigarilyo si Gutierrez sa isang tindahan malapit sa lugar kung saan naganap ang kaguluhan na kinasangkutan ng mga menor de edad.

Paglingon ng biktima, isang bala ng baril ang tumama sa kanyang likod dahilan upang isugod sa nasabing ospital kung saan patuloy na inoobserbahan.

Patuloy ang follow-up operation ng mga tauhan ng Sub-Station sa pangunguna ni P/Lt. Manny Ric Delos Reyes para sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek sa pamamaril kay Gutierrez.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …