Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marco Gomez, nag-init kay Cloe Barreto sa pelikulang Silab

AMINADO ang hunk newbie actor na si Marco Gomez na hindi siya nagdalawang isip sa mga daring scene niya sa pelikulang Silab na tinatam­pukan ni Cloe Barreto at mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan.

Saad ni Marco, “Actually noong time na iyon, hindi na. Kasi, lahat ng mga ino-offer sa aking movie, puro daring. Hanggang sa sinabi sa akin ni Nanay Len, ‘Marco accept it, pang sexy actor ka, kahit ano’ng gawin mo, hindi ka puwedeng parang love-team, love team na parang James Reid.’

“So, naisip ko na hindi bagay sa akin ‘yung mga ganoon. And kasi sabi niya, ‘It’s your choice naman,’ sabi ni Nanany Len. Kaya I’m very thankful to her, kasi hindi niya ako pinilit na magganyan.”

Dag­dag pa ng morenong aktor, “So, when I thought about it, Direk Joel told me na ako ‘yung bida sa movie na Silab, hindi na ako nag-second thought, sabi ko, ‘Sige gawin ko na ito, ito na ang break ko’.”

Sa Silab ay gumaganap si Marco bilang si Rod, na magpapaliyab sa pelikula kasalo ang isang babaeng wild na ginampanan ni Cloe bilang si Ana. Kapwa may asawa na ang dalawa, subalit naghanap si Cloe ng kakaibang init ng pagmamahal kay Rod, na hindi niya naram­daman sa mister niyang si Jason (Abalos).

Sina Marco at Cloe ay parang magkapatid sa 3:16 Events & Talent Management na pag-aari ni Ms. Len Carrillo, may ilangan factor ba sa love scene nila rito?

Ani Marco, ”Noong una, opo e, hehehe. Pero siyempre, iba talaga kapag sa shoot na, e. Pero nag-usap kami na basta gawin nating isang take lang. Kasi actually, nang nagsu-shooting kami ni Cloe, ang iniisip ko ay si Ana – ‘yung character niya. Kasi nang binasa ko ang script, hot na hot ang character ko kay Ana.”

Ma-L ba ang ginagampa­nan niyang papel dito? ”Opo, ma-L ‘yung character ko sa movie, kaya ang iniisip ko lagi ay ang character niyang si Ana,” natatawang lahad pa ni Marco.

Ang Silab ay mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network. Tampok din dito sina Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …