Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ms. Universal, Titan KTV bars sa Pasay todo rampa na (Paging IATF)

ISA ang Pasay City sa nahaharap ngayon sa paghihigpit sa seguridad at kalusugan ng mga tao dahil sa kanila natagpuan ang bagong South African variant ng CoVid-19.

Sa katunayan, mayroon nang ilang aksiyon na isailalim sa swab test ang mga nakasalamuha ng tatlong nagpositibo sa South African variant ng Covid-19 sa Pasay City.

Ayon sa Public Information Office (PIO) lahat ng F1, F2, at F3, kailangan umanong muling i-swab test at kung magpositibo ang kanilang specimen, isasailalim sila sa genome sequencing upang matukoy kung anong uri ng virus sila nahawa.

Ganyan po kaseryoso ang kalagayan ngayon ng lungsod ng Pasay.

Mabuti na lamang at mahigpit sa monitoring si Mayora Mayor Emi Calixto-Rubiano kaya mabilis na nade-detect sa contact tracing ang mga nakasalamuha ng nasabing mga suspect.

Anyway, ang ipinagtataka lang po natin, bakit bukas na naman ang Ms. Universe at ang Titan KTV bars?

Pinayagan na ba ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rampahan sa Ms. Universe sa F.B. Harrison at Titan sa Macapagal Blvd.?

Aba kung pinayagan ng IATF ‘yan, bakit?!

Hindi ba aware ang IATF na posibleng hindi lang CoVid-19 ang makukuha riyan?!

Hindi ba’t naalarma na nga ang mga opisyal ng gobyerno sa mabilis na hawaan sa lungsod kaya puspusan ang isinagawang contact tracing at nagdagdag ang lungsod ng nurse at contact tracers para mapigilan ang hawaan ng virus.

Nag-deploy din ng karagdagang pulis sa Pasay para magbantay sa quarantine protocols sa 77 barangays na nasa ilalim pa rin ng localized community quarantine (LCQ).

Kaya nga ang tanong bakit ‘open’ ang Ms. Universal at ang Titan?!

Masasagot kaya ‘yan ni Vice Mayor Noel “Boyet” Del Rosario?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *