Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

ValTrace magagamit sa Manda

MAGAGAMIT sa lungsod ng Mandaluyong ang ValTrace contact tracing QR codes ng Valenzuela City na nagla­layong matukoy ang mga indibidwal na posibleng positibo sa virus ng CoVid-19 na nauna nang ikinonek sa mga lungsod ng Pasig at Antipolo.

Nakapirma na sa Contact Tracing Network Consortium Agreement ang ValTrace ng Valenzuela City, PasigPass ng Pasig City, Bantay CoVid-19 ng Antipolo City, at Manda Track ng Mandaluyong City.

Hindi na kailangan mag-download ng hiwalay na QR code para sa apat  na lungsod dahil ang mga QR code na nakarehistro at ginagamit sa isang lungsod ay maaaring magamit sa naturang mga lungsod na kasama sa kasunduan.

Sinimulang ipatupad ng Valenzuela noong 5 Oktubre 2020, ang ValTrace QR code na napatunayang mahusay at mabisang paraan ng pagtingin sa mga COVID-19 exposures at mga contact ng isang pasyente.

Kailangan ang lahat ng mga mamamayan, maging ang hindi residente ng lungsod ay may sariling ValTrace QR codes na magagamit sa pagpasok sa mga establisimiyento.

Ginagamit ng Valenzuela ang ValTrace QR codes para sa kanilang VCVax CoVid-19 vaccination registration.

Ang Valenzuela ValTrace ay isinama sa PasigPass ng Pasig City noong 7 Disyembre 2020 at sa Antipolo City’s Bantay CoVid-19 na epektibo noong 10 Enero 2021 habang nakakonekta sa MandaTrack ng Mandalu­yong nitong 1 Marso.

Inaasahan ng mga lokal na punong ehekutibo ng mga lungsod na mas maraming local government units (LGUs) ang sasali sa digital contract tracing solution sa pamamagitan ng pag­gamit ng QR codes.

(ROMMEL SALES)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …