Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

3 pulis, arestado (Killer ng Koreano)

NADAKIP ang tatlo sa walong pulis na sangkot sa kasong pagpatay sa isang Korean national noong 15 Pebrero 2021 sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga suspek na sina P/Cpl. Darwin Castillo, na naaresto sa Quarantine Control Point (QCP) sa Baywalk, Roxas Blvd., dakong 2:00 pm, habang si P/SSgt. Carl Legaspi ay sa Mendiola San Miguel, Maynila bilang security team member, at si P/Cpl. Samruss Inoc ay una nang naaresto sa loob ng Roxas Boulevard Police Community Precinct.

Batay sa ulat ng pulisya, isinagawa ang operation sa mga pulis na kapwa naka-assign sa Malate Police Station (PS-9) dahil sa pagkakasangkot sa napatay na Koreano, kinilalang si Sunuk Nam, 55 anyos, na nakitang patay sa bakanteng lote sa harap ng St. Angelus Cemetery noong 15 Pebrero 2021 sa Purok 4, Area 6, G. Marcelo St., Brgy. Maysan Valenzuela City.

Isang tracker team ang agad na binuo ng Valenzuela City Police, NPD SITG sa  pamumuno ni P/Maj. Ferdinand Mendoza sa pakikipagtulungan ni P/BGen. Leo Francisco, District Director ng Manila Police District (DD-MPD) na agad ikinaaresto ng tatlo.

Patuloy ang  isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Sunuk Nam. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …