Saturday , November 16 2024
road accident

Hilera ng motorsiklo sa Recto inararo ng jeepney 8 sugatan

SUGATAN ang walo katao nang ararohin ng  pampasaherong jeepney ang mga naka­hintong motor­siklo sa Recto Avenue corner Masangkay St., sa Binondo, Maynila nitong Lunes.

Kabilang sa suga­tan ang rider na si Jabilar Candidato, 25 anyos; Brian Figueroa, 42; at kanyang backride na si Jeremy Ablao, 21.

Sa kuha ng CCTV, kita ang pagsalpok ng jeepney, ay plakang PXY 513, minamaneho ni Jofet Esteban Santiago ng Dagupan, Tondo sa mga motorsiklo habang naghihintay na humu­dyat ng go ang traffic light.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang isa sa mga rider habang sabay-sabay na nagtumbahan ang mga katabi nito.

Ayon kay Kagawad Joel Sabado ng Brgy. 294, Binondo, mabilis ang takbo ng jeepney driver.

“Nawalan daw po siya ng preno. Lumusot daw po ang preno niya. Pero base sa nakita namin, medyo mabilis ‘yung takbo,” ani Sabado.

Nasa kustodiya na ngayon ng Manila Traffic Bureau si Santia­go habang patuloy ang imbes­tigasyon sa insidente.

 

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *