Thursday , December 26 2024

Matinong bakuna dapat hindi iyong kaduda-duda

BINIGYAN na ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang coronavirus disease (CoVid-19) vaccine na Made in China – gawa ng Chinese drug maker – ang Sinovac.

Made in China? Naku po! He he he…alam n’yo naman ang biro kapag ‘Made in China.’

Ano pa man, kahit na paano ay mayroon nang seguradong bakuna para sa mga Pinoy (daw). Kaysa wala, iyon ba ang tamang kasagutan?

Iyon nga lang, ang bakuna na gawa sa China ay hindi inirerekomendang iturok sa frontliners at senior citizens. Ha! Bakit? Mahinang klase ba ang bakuna na ito? Kayo naman, made in China po ang pinag-uusapan natin dito. So, kung made in China, alams na.

Sa pagkakaaproba sa EUA ng Sinovac, inaasahang darating sa linggong ito ang bakuna mula sa China. Inuulit natin ha, mula sa China.  – 600,000 doses ng Sinovac vaccines ang ipinangako ng Beijing sa Filipinas. Sa naturang bilang  100,000 ang para sa mga militar.

Habang sa huling linggo ng kasalukuyang buwan, darating ang unang batch ng bakuna mula AstraZeneca. E ang Pfizer vaccine, kalian kaya? Wala pa raw pong katiyakan. Marami kasi ang mas naunang umorder.

Hindi uubra ang ‘Made in China’ vaccines sa frontliners (health workers) at seniors dahil…mas mababa ba ang klase nito? Hindi naman daw at sa halip, lumalabas sa interim data ng Phase 3 trials nito, nasa 65.3% (Indonesia) hanggang 91.2% (Turkey) ang efficacy rate nito sa “clinically healthy” people, sa pagitan ng 18-59 taong-gulang.

Sinasabi pang mas mas mababa ang efficacy rate nito kapag ginamit sa mga manggagawang pangkalusugan na exposed sa CoVid-19 kaya hindi ito inirerekomenda sa health workers natin.

‘E kung ganoon, ba’t pa papasukin sa bansa ang Sinovac – kung ‘mahinang’ klase naman ito? Para kanino lang ito? Para sa ordionaryong tao? Bakit mas effective ba ito sa ordinaryong madla?

Ano ba ang ipinagkaiba ng virus na kinahaharap ng health workers sa madla? Mahinang klaseng CoVid-19 ba ang araw-araw na ikinokonsiderang kalaban ng madla sa tuwing lumalabas sila sa bahay para pumasok sa trabaho?

Naroon na tayo na mas delikado ang kalagayan ng health workers dahil mismong virus ang lumalapit sa kanila sa pag-asikaso sa CoVid-19 patients sa mga pagamutan pero, huwag naman sana ‘ipilit’ ito sa madla o sa mga sundalo na para bang gawin silang chimpanzee.

‘Ika nga, kung mahinang klase ang Sinovac kaya hindi uubra sa health workers at seniors, aba’y huwag nang gamitin ito sa iba pang sector – wala kasi po tayong nakikitang pagkakaiba ng ordinaryong tao o madla sa health workers natin – pare-pareho tayong tao na araw-araw kumakalaban sa CoVid-19 na walang pinipiling dadapuan.

Magpapapasok na rin lang tayo ng vaccines sa bansa, ba’t hindi pa piliin iyong hindi pagdududahan ang effectivity (quality)? Kalusugan at buhay ng lahat ang nakataya sa pakikipaglaban sa CoVid-19 kaya ang dapat papasukin ay iyong matinong bakuna.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *