Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klinton Start, nag-enjoy sa Happy Time

NAPANOOD namin ang guesting ni Klinton Start sa noontime show ng Net25 titled Happy Time. Hosted by Kitkat, Jano Gibbs, at Anjo Yllana, ang naturang variety show ay siksik sa kantahan, sayawan, nakatutuwang games, at iba pa.

Si Klinton ay sumabak sa portion nilang PM is The Key, na kami mismo ay naging part din noon, kasama ang ilang katoto sa press at ang magaling na singer/composer na si Marion Aunor.

Anyway, sa aming tsikahan ni Klinton via FB messenger, inusisa namin ang binatilyong tinaguriang Supremo ng Dance Floor kung anong klaseng experience ang pagsabak niya sa nasabing noontime show?

Tugon niya, “Sobrang nag-enjoy po ako dahil na-miss ko po talaga ang mag-taping. Kaya po nang sinabi po sa akin na mayroon po akong taping, sobrang excited po talaga ako.”

Masayang dagdag pa ni Klinton, “Sobrang exciting po talaga, dahil after one year po ay nakalabas ulit ako sa TV.”

First time ba siyang sumali sa isang game show? “Opo, first time ko pong sumali sa isang game show and sobrang maganda po ‘yung naging experience ko, kasi nakasama ko rin po rito ‘yung mga kaibigan ko na sina kuya JB at Godwin.”

Dahil nag-birthday siya kamakailan, ano ang wish niya sa kanyang special day?

“Ang wish ko lang po talaga sa birthday ko, na sana ay matapos na talaga itong pandemic na ito po, para makabalik na po tayo sa dati nating buhay,” aniya pa.

Si Klinton ay isa sa endorsers ng CN Halimuyak Pilipinas (CNHP) ng napaka-generous na CEO & President nitong si Ms. Nilda Villafaña Mercado Tuason.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …