Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Digong koryente (na naman) sa bakunang mula sa UK

SINO naman kayang ‘bulong–sipsip halimaw’ ang nag-urot kay Pangulong Rodrigo Duterte na ‘yung bakuna mula sa London at European Union ay hindi umano pagbibilhan ang Filipinas?!

Sabi nga ng kinatawan ng EU, hindi namin pagdadamutan ang Filipinas!

E ‘yun naman pala.

Sino naman kayang nagmamagaling na nag-ulat nito sa Pangulo?

Mukhang mali ang ‘info’ ng kung sino man ‘yan.

Sabi nga ni Sen. Ping Lacson, “So, it wasn’t EU’s fault after all. Those feeding the President false information are doing him and the country a disservice and should resign to save us all from international embarrassment.”

Arayku!

Mag-resign naman kaya si Mang Teddy Boy dahils a maling impormasyon?!

Huwag nga naman bigyan ng maling impormasyon ang Presidente tungkol sa bakuna… kasi nga hindi siya kabute na sa madilim na lugar pinapalaki at hindi nakikita kung ano ang ipinapakain.

“Don’t treat the President like a mushroom – kept in the dark and fed with S*^t,” mariing banggit ni Lacson.

Mabuti an lamang at inilinaw ng kinatawan ng EU sa bansa ang impormasyon.

Sa panahon nga naman ng pandemya, isang malaking ‘biro’ sa sambayanan ang pagbibigay ng impormasyon sa Pangulo na pagdadamutan ng bakuna mula sa Europa ang mga Pinoy.

Please lang, tigilan na ang FAKE NEWS. Huwag ninyong koryentehin ang  ‘Digong n’yo!’

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …