Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pauline Mendoza
Pauline Mendoza

Pauline Mendoza, bibida sa seryeng Babawiin Ko Ang Lahat ng GMA-7

NAGPAPASALAMAT ang Kapuso actress na si Pauline Mendoza sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng GMA-7 dahil bida na siya sa pinakabagong teleseryeng pinamagatang Babawiin Ko Ang Lahat.

Pahayag ni Pauline, “Sobrang thankful po ako sa GMA Network, GMA Artist Center and to my manager and my handler for believing in me and also for giving me this kind of opportunity.”

Aniya, “I’ve been with GMA network for the past five years already and never po nila ako pinabayaan. Naniwala sila sa akin and binigyan nila ako ng tiwala. They’re just there always to help me reach my dreams.”

Mapapanood na ngayong Pebrero ang teleseryeng pagbibi­dahan niya sa Kapuso Network. Ayon kay Pau (nickname ni Pauline), nakaaantig ng puso ang kuwento ng kanilang TV series.

Bukod kay Pau, tampok din sa Babawiin Ko Ang Lahat sina John Estrada, Carmina Villaroel, Tanya Garcia, Gio Alvarez, Tanya Gomez, Liezel Lopez, Manolo Pedrosa, Dave Bornea, Therese Malvar, Kristoffer Martin, at iba pa.

Ang serye ay mula sa pamamahala nina Direk Jules Katanyag at Direk Pam Miranas.

Paano niya ide-describe ang TV series na ito?

Esplika ni Pauline, “Iyong kuwento po nito ay tungkol sa isang pamilya, ang masayahing Salvador family.

“Hangga’t sa nalaman ko na may ibang pamilya pa pala ang aking dad which is played by kuya John Estrada. At doon na po magsisimula ang lahat ng hirap and struggles ng buong dalawang pamilya.”

Inusisa rin namin si Pau kung ano ang role niya sa Babawiin Ko Ang Lahat?

Saad niya, “Ang role ko po rito ay si Iris Salavador, anak ni Victor Salvador and Cristine Salvador which is played by ate Tanya Garcia Lapid.

“Mabait na anak po si Iris, outgoing ang kanyang personality and talagang mabait lang siya sa lahat. Until makilala niya ang isa pang pamilya ng kanyang ama. Doon na magsisimula lahat ng sacrifices ni Iris.”

Aminado rin si Pau na mahirap sumabak sa taping sa panahon ng pandemic.

Saad niya, “It was never easy for us to work lalo na at may pandemic.

“Noong unang lock-in taping, halos karamihan po sa amin ay nahirapan pong mag-adjust, but I’m grateful for everybody who’s been part of the show, kasi talagang tulungan and naging comfortable kami sa isa’t isa.

“Very hardworking ang lahat. Talagang pinagpaguran and tina­trabaho po namin itong show na ito.”

Thankful din si Pau sa kanyang co-stars sa kanilang su­portang ibini­gay lalo na sa kanyang mga heavy scene.

Sambit niya, “Very professional po silang katrabaho and tulungan talaga kaming lahat sa set.

“Lahat ng eksena ko halos everyday, umiiyak. Challenging talaga, kasi very heavy iyong scenes namin. Pero siyempre with the help of veteran actors, thankful talaga ako, kasi gina-guide nila ako.”

Sino ang ka-love team niya rito?

“I’ve been paired here with Dave and Manolo. But may mangyayari sa story kaya abangan na lang po nila, hehehe,” nakangiting sambit ni Pau.

Pahabol na esplika pa ng aktres, isa rin sa endorser ng BeauteDerm ni Ms. Rhea Tan, “They’re both good actors, very professional… when it comes to their craft, sobra silang dedicated.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …