Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P25-M patsi-patsing kalsada sa Cabuyao, Laguna trending sa social media

KAUNTING buhangin, kaunting semento equals sementeryo ‘este Cabuyao road sa San Isidro, Banaybanay, Niugan, at Pulo.

Sementeryo, dahil ang ginawang kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay walang tibay na maaasahan para sa matagalan.

E paanong magtatagal kung buhangin at semento lang ang ibinuhos?! Kapag umulan na nang malakas unti-unting aagusin ng tubig ang ibinuhos na buhangin at semento — kaya hindi malayong maaksidente ang mga motorista sa kalsadang may P25 milyones ang halaga.

At ‘yan din po ang punto ng Laguna netizens na mismong sila ang nag-post sa social media kasama ang retrato ng mga namamahalang kung tawagin ay ‘Kalinga Boys.’

Kaya nga ang tanong ng Laguna netizens, sino ba ang nakaramdam ng kalinga? ‘Yung mamamayan na nilansi o ‘yung bulsa ng mga opisyal na namahala riyan sa rehabilitasyon na ‘yan ng kalsada?!

Batay sa liham ni BAC Chairperson Yolanda T. Aquino kay Cabuyao city mayor Rommel Gecolea, ang proyektong nagkakahalaga ng P25 milyones ay “Rehabilitation of NIA Road Phase 2 (San Isidro – Banaybanay – Pulo – Niugan section).

Ang proyekto ay sa ilalim ng pamamahala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Laguna II, District Engineering Office, Regional Office IV-A, Barangay Bambang, Los Baños, Laguna.

Bilang isang pangkaraniwang mamamayan, malaking katuwaan ang magkaroon ng isang maayos na kalsada. Ganoon din para sa mga motorista.

Pero kung kalsadang sinasabing may budget na P25 milyones mula sa taxpayers’ money at ang ibubuhos ay kaunting buhangin at kaunting semento, walang bakal at walang bato (gravel), ano kayang tibay ang maasahan ng sambayanang road users sa kalsadang ito?!      

Mayor Rommel Gecolea, ikaw po ang inaasahan ng iyong constituents na mangangalaga sa buwis na nanggagaling sa bulsa nila.

Proteksiyonan mo naman sila laban sa mga ‘promotor’ ng pangungupit sa mga pagawaing bayan (impraestruktura).

Pakisilip naman ang rehabilitasyon ng mga kalsada sa San Isidro, Banaybanay, Niugan, at Pulo.

Huwag naman po kayo maging bulag, pipi, at bingi dahil inaasahan kayo ng inyong mga kababayan.

Maliban kung kayo ay may personal na pakinabang sa patsi-patsing proyekto na ‘yan?!

Arayku!

‘Wag naman po sana.         

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *