Friday , January 10 2025

Bukas na ang Baguio

YAHOO!

Puwede nang umakyat at magbakasyon sa Baguio City. Lamig pa naman ngayon doon. Teka, puwede na nga ba? Open na open na nga ba sa turista ang kilalang “Summer Capital of the Philippines?” Welcome na bang magbakasyon ang mga taga-National Capital Region (Metro Manila) sa Baguio?

Iyon ang malaking katanungan? Pero maaari na rin siguro ang taga-Metro Manila basta’t sumunod lang sa alituntunin – ang sumunod sa estriktong alituntunin na pinaiiral ng gobyerno na health protocols.

Maaari na rin siguro o welcome na rin ang mga taga-NCR dahil may biyahe na ang Victory Liner. Oo, inuulit ko po, may biyahe na, Cubao to Baguio and vice versa. Araw -araw po ang biyahe. Hindi ito ads ha?! Sinasabi ko lang matapos ko madaanan ang terminal nila sa Cubao, Quezon City.

Nakalagay sa entrada ng terminal ang schedule ng kanilang biyahe, may kaonting increase sa pasahe. One way yata kung hindi ako nagkakamali ay P576. Ok na hindi ba? Mura pa rin, kasi ang dati ay P480 yata. Kaonting increase lang.

O ano, akyat na! Hehehe. Pero iyon nga lang, iba na ang panahon ngayon. Nasa ilalim pa rin tayo ng umiiral ba “batas pandemya.” Kaya, hindi basta-basta ang umakyat o magbakasyon ngayon sa Baguio. maraming kailangang ‘pagdaanan’ pa.

Hindi ka naman lulusot sa butas ng karayom kung hindi, kailangan sumunod ang lahat sa ipinaiiral na batas pandemya o health protocols. Pinakamahalagang requirement sa pag-akyat sa Baguio ay kinakailangang sumailalim sa swab test. He he he… kaya, hindi biro ang magbakasyon sa Baguio, may malaking dagdag gastos. Magkano ba ang swab test ngayon? P3,800? P3,500? Wow! Laking budget ang kailangan kapag gusto mong magbakasyon sa Baguio. E kung pamilya kayong magbakasyon sa lungsod. Aba’y hindi biro ang halaga na kailangan.

Sa swab test pa lang paakyat at pababa, malaking halaga na ang kailangan. O ano, paiyakan ang magbakasyon sa Baguio ano? Wait na lang tayo kapag talagang okey na ang lahat – iyon bang wala na’ng pandemya. Ipanalangin natin iyan ha.

Buti naman at open na ang Baguio – ibig sabihin buhay na rin ang komersiyo sa lungsod. Sabi nga ng kumapare ko mula Baguio, okey naman daw ang lungsod – may night life na rin. Bukas ang mga bar, resto at ang gustong-gusto ng mga turista – ang “night market.”

Buhay na nga ang Baguio. Siyempre, mahigpit naman na ipinaiiral sa lungsod ang health protocols.

Dapat lang!

Gusto n’yo bang malaman ang schedule ng biyahe papuntang Baguio sa pamamagitan ng Victory Liner – Cubao to Baguio? Sige, mula Cubao – 7:00 am; 10:00 am, at 3:00 pm habang ang pababa mula Baguio to Cubao naman ay 8:00 am; 1:00 pm, at 5:00 pm. Hirap ng biyahe ngayon ano. At ang biyahe ay point to point ha. Hindi tulad noon na every 30 minutes ay may umaalis na bus.

Ano pa man, puwede na’ng umakyat sa Baguio. Ayos! Sumunod lang sa protocols ha!

*****

Open na nga ang Baguio… oo, open na open na kasi, open na rin pala ang illegal gambling sa lungsod. Ha! Iyan lang naman kung totoo ang impormasyon. Matindi na may blessing na raw ang awtoridad sa pagbubukas ng sugalan sa lungsod.

Sinong awtoridad ang nagpahintulot? City government ba o ang lokal na pulisya? Kayo na ang bahalang mag-isip kung sino ang nagbigay basbas. Hindi naman magbubukasan ang sugalan sa lungsod kung walang nagbigay basbas na may koneksiyon sa local.

Bukas na bukas na ang operasyon ng perya-gal sa Otek St., Baguio City. Perya-gal? So, ang ibig sabihin ay nilalabag nito ang social distancing bukod sa batas. malamang na nilalabag ang social distancing dahil kumpol-kumpol ang mga mananaya. May talong linggo nang tumatakbo ang sugalan sa Otek pero tila nagbubulag-bulagan ang mga awtoridad ng lungsod.

Sayang din kasi ang linggohang intel kaya, pikit mata na lamang ang awtoridad sa lungsod.

Alam kaya ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tatlong linggo na ang ilegal na perya-gal sa Otek? Mayor, mayor, pakisilip po ito… at baka ito pa ang magiging sanhi ng pagtaas ng bilang ng mga positibo sa CoVid-19 sa lungsod.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang …

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *