Thursday , December 26 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May palakasan ba sa IO duty schedule sa NAIA?

MULING nagkaroon ng agam-agam ang lahat ng immigration officers (IOs) na naka-duty sa airport partikular sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos umusbong ang 2nd wave ng panibagong strain ng CoVid-19.

Sa panig ng mga IO sa Ports Operations Division (POD), ang bawat isa ay nangangamba na maaari silang tamaan o mahawa sa mga dumarating mula sa ibang bansa lalo sa mga lugar kung saan naka-red flag sa IATF.

Since natapos na rin ang nagdaang okasyon ay napilitan na rin bumalik sa BI Main Office ang mga IO na nag-augment sa NAIA.

Sila man ay natatakot na mag-duty ulit doon dahil nga sa panganib na dala ng bagong coronavirus strain.

Anyway, marami na uli ang cancelled flights mula sa mga bansang kinabibilangan ng United Kingdom, USA, Japan, at marami pang iba.

Kaya ‘di na siguro kailangan pa ang panibagong augmentation galing sa international airports na non-operational gaya sa Palawan, Iloilo, Kalibo, at Bohol.

Kawawa naman ang mga IO sa mga airport na ‘yan kung ibabala ng POD, samantala sa mga lugar nila ay hindi pinangangambahan ang bagong strain ng coronavirus.

Sa totoo lang sobra-sobra ang bilang ng mga IO diyan sa NAIA na umiiwas lang mag-duty sa mga counter.

Lalo na sa arrival.

O ‘di kaya ay ‘yung mga may mga konek sa scheduler or admin ng BI-NAIA.

Kahit pa nga nitong nagdaang okasyon, bagamat ipinagbawal ang mag-leave (forced leave, vacation leave) sa panahong ‘yan ay mayroon pa rin mga pinayagan.

Gaya nga nang sabi natin basta ‘malakas’ lang.

Kundi sino man ang malalakas at madalas umiwas sa trabaho, for sure alam ng mga taga-admin ‘yan.

Unless gusto nilang tayo ang magpangalan sa mga ‘yan?!

Ano? Game na?!

 

SANITIZING BOOTH
PARA SA NAIA IOs
KAILANGAN

PARA naman sa kaligtasan ng pamilya ng mga IO na dumu-duty sa mga paliparan, suggestion lang naman, bakit hindi magbigay ng directive ang POD na sumalang sa sanitizing booth or cubicle ang mga empleyado ng immigration bago lumabas ng airport?

Ito ay para na rin sa kaligtasan ng kanilang pamilyang daratnan sa bahay.

Tingin nga natin mas okay sana kung i-require pa ang short shower after duty plus mag-provide ng mouthwash sa bawat isa upang kahit paano ay preventive measures din para sa kanila.

Bakit natin nasabi ito?

Hindi rin kasi kasiguruhan ang pagsusuot ng Personal Protective Equipment (PPE) upang hindi tamaan ng virus ang mga empleyado.

Ilan na ba ang nag-positive sa airport sa CoVid-19 kahit pa nga naka-PPE?

Gaano karaming pasahero ang nakakaharap ng mga IO lalo kung sa arrival ang duty nila?    

Naturalmente nandiyan ‘yung mga kokontra na sasabihin na sila ay mapapasma dahil mainit raw sa katawan ang PPE.

Kaya nga kung ayaw nilang mag-shower, dumaan muna sila sa sanitizing booth or cubicle bago sila lumabas ng airport.

Gawing mandatory!

Siguro naman may budget ang Bureau para sa sanitizing booth na ‘yan sa tatlong terminal!?

Makababawas din ‘yan sa puntos ng contact tracing kung sakaling mahawa kayo sa ibang lugar kung saan kayo pupunta paglabas ninyo ng airport. 

Sa ngayon ay hindi natin basta puwedeng balewalain ang simpleng pag-iingat lalo’t mga mahal sa buhay ang posibleng maaapek­tohan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *