Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magno walang pahinga sa training

DESIDIDO si Irish Magno na sumungkit ng gintong medalya sa Tokyo Olympics na ilalarga sa Japan sa Hulyo kaya walang panahon para mag-relax.

Puspusan ang ensayo ni Pinay boxer Magno dahil papalapit na ang takdang araw na hinihintay.

Nagarahe nang matagal si Magno dahil sa coronavirus  (CoVid-19) pandemic, kaya wala pa siyang pormal na training simula nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Filipinas noong Marsong  nakaraang taon.

Sa online training nagpapakondisyon si Magno kaya nananabik na sa pagbabalik-ensayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Kompiyansa si Magno na babalik ang dati niyang kondisyon kapag naka­pag­simula ng training.

Bukod kay Magno, ang ibang may ticket sa quadrennial meet ay sina world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics, SEAG pole vault record holder Ernest John Obiena at boxer three-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial.

ni Arabela Princess Dawa

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …