Saturday , November 16 2024

3,000 health workers umapela sa Cebu LGU Sinulog kanselahin

NANAWAGAN ang grupo ng mahigit sa 3,000 doktor at medical professionals sa pamahalaang lungsod ng Cebu na ipagpaliban ang mga aktibidad na magiging dahilan ng pagtitipon ng mga tao para sa kapistahan ng Sinulog sa 17 Enero.

Bagaman bumaba ang bilang ng mga kaso ng CoVid-19 sa lungsod sa nakaraang mga buwan, pinaalalahanan ng Cebu Medical Society (CMS) ang mga Cebuano na huwag maging kampante dahil hindi pa rin nawawala ang virus.

Ayon kay Dr. Minnie Monteclaro, pangulo ng CMS, ang Sinulog ay pagti­tipon ng mga manonood at mga mananayaw, at ang mga ganitong aktibidad ay maaaring magdulot ng mataas na posibilidad ng pagkalat ng CoVid-19.

Nananawagan din ang grupo sa mga residente na manatili sa kanilang mga bahay at sumunod pa rin sa health protocols na itinakda ng IATF.

Naniniwala ang CMS na parehong responsibilidad ng health workers, pama­halaan at mga mamama­yan ang pagsugpo sa virus.

Nilagdaan ng 15 iba’t ibang grupong kabilang sa CMS ang apela nito.

Maging ang mga opisyal ng pulisya sa lungsod ay nagpahayag ng pag-aalala at pagkabahala sa pagdaraos sa gitna ng pandemya ng pista ng Sinulog, na itinuturing na isa sa pinakamagarbong pagdiriwang sa bansa.

Ayon din kay P/Lt. Col. Glenn Mayam, hepe ng Operation Management Division ng Central Visayas police, nagulat umano sila nang malaman sa mga ulat ng media na naghahanda ang pamahalaang lungsod para sa isang Sinulog dance showdown sa 17 Enero.

Sa pulong noong Nobyembre, sinabi ni Mayam na inilinaw ng Regional Inter-Agency Task Force in Central Visayas (RIATF) na kanselado ang Sinulog ngayong taon dahil sa pandemya.

Ani Atty. Ian Kenneth Lucero, officer-in-charge ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lungsod ng Cebu at pinuno ng RIATF secretariat, wala pa silang natatanggap na opisyal na rekomendasyon mula sa pulisya saka pa lamang sila magpupulong at magdedesisyon upang kansehalin ang pista.

Samantala, sinabi ni Vice Mayor Michael Rama noong Martes, 5 Enero, umaapela sila sa RIATF na tulungan sila sa pagpapatupad ng health protocols sa gitna ng pista imbes na kanselahin ito.

Ani Rama, pinuno ng preparasyon sa Sinulog Festival, tulong ang kailangan nila at hindi ang pagkakansela ng pagdiri­wang.

Dagdag ni Rama, ang dance showdown sa 17 Enero ay gaganapin sa isang parking lot ng isang mall sa South Road Properties na apat na kilometro ang layo mula sa downtown Cebu City at 99 porsiyentong virtual o online ang programa upang maiwasan ang pagtitipon ng maraming tao.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *