Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun shot

Sundalong senglot nag-amok, superior pinatay (Pinaalalahanan sa kanyang tungkulin)

BINAWIAN ng buhay ang isang opisyal ng Philippine Army sa kamay ng nag-amok na kapwa niya sundalo nitong Martes, 5 Enero sa loob ng kanilang kampo sa lungsod ng Zamboanga.

Ayon kay P/Maj. Edwin Duco, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula regional police, lumabas sa imbestigasyon na nagalit ang suspek na kinilalang si Private First Class Herbert Antonio nang pagsabihan ng kaniyang immediate superior na si Technical Sergeant Joseph Cutaran dahil sa hindi pagtupad sa kaniyang mga tungkulin.

Kapwa kabilang sa 54th Engineering Brigade ng Philippine Army ang dalawa na nakabase sa Brgy. Cabatangan, sa nabanggit na lungsod.

Napikon umano si Antonio at agad bumunot ng baril saka pinaputukan nang dalawang beses sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pag­kamatay.

Agad tumakas si Anto­nio matapos ang pama­maril.

Narekober ng mga imbes­tigador sa pinang­yarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa 9mm pistol.

Ayon kay P/Capt. Albin Cabayacruz, hepe ng Santa Maria police station, nakatalaga si Antonio na bantayan ang tangke ng tubig sa kampo.

Noong Martes ng gabi, nakita umano ni Cutaran na lasing si Antonio at nasa kaniyang barracks, habang umaapaw na ang tubig sa tangke. Naglunsad ang mga awtoridad ng manhunt operation para masukol si Antonio, na residente ng Brgy. Talon-Talon, sa naturang lungsod.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …