Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Lalaking nurse duguang natagpuan sa lodging house (Sa Bukidnon)

DUGUAN at wala nang buhay nang matagpuan ng mga awtoridad ang kata­wan ng isang lalaki sa loob ng isang silid sa lodging house sa lungsod ng Valencia, lalawigan ng Bukidnon, nitong Lunes, 4 Enero.

Kinilala ang biktimang si Soriano Moreno, isang nurse mula sa bayan ng Bayog, Zamboanga del Norte.

Agad itinawag sa pulisya ni Jopher Pabate, kahera ng Versatile lodging house, na unang nakita ang duguang bangkay ng biktima sa loob ng isang silid sa kanilang estblisimiyento sa Purok 13, Poblacion, sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na nag-check in ang biktima dakong 7:15 pm noong Linggo, 3 Enero, at sinabi sa kaherang may dalawang iba pa siyang kasama.

Dumaan sa exit ng lodging house ang dala­wang tinutukoy na kasama saka pumasok sa Room 13.

Kinabukasan, nang bigong mag-check out ang biktima, puwersahang binuk­san ng mga awto­ridad ang pinto ng silid at nakita nila ang hubad at duguang kata­wan ng biktima na wala nang buhay at natatakpan ng kumot.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) team mula sa Bukidnon Provincial Crime Laboratory Office, ilang ulit sinaksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinatayang nasa 30 anyos ang biktima, may taas na 5’4″, at may mga tattoo ng kalapati at tatlong bituin sa kaliwang dibdib at kaliwang braso.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang isang dilaw na t-shirt, pilak na kuwintas, at gintong mga hikaw.

Ipinag-utos ni P/Col. Roel Lami-ing, direktor ng Bukidnon Provincial Police Office na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang masukol ang mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …